3

14 4 2
                                    

KRIS
wednesday, June 25, 2016 - 8:30am 

today's the day, first day of school and ang tanga ko kasi naligaw ako ng class room, imbis na room B1-228 mapuntahan kobnapunta ako sa B1-201 ang shungaks lang puro ECE kasama ko at may tatlong CpE din dito idk kung naligaw rin sila or dito talaga sila.

after ko marealize na naligaw ako tumingin ako sa GC namin (oo may gc na agad kaming CpEBIT2) na pwede kong ichat, so si Angelica ang nakita ko tinignan ko muna profile niya mukhang mataray pero keri na chinat ko siya if saan next class and sabi niya sa B1-328 which is third floor.

pumasok na ako sa room at nakita ko siya nag hi siya saakin at pinaupo sa tabi niya may kasama siyang tomboy? idk kung tomboy yun tapos ayun happy friends kaming tatlo, kami magkakasama buong araw.

matapos ang klase ay umalis na agad ako sa school pero bago yun nagpaalam muna ako sakanila at bago ako makaalis nakita ko yung vocalist ng nag champion sa BandAstig

'ang liit niya pala pero cute'
banggit ko sa sarili ko

umalis na ako at pumunta sa office ni papa para sumabay pauwi.
.
.
.
.
.
.

august 22, 2016 - 10:02am
"freshmen day"

madaming nangyare sa mga nakaraang buwan madami na ako nakilala at mga naging kaibigan, nakahanap na rin ako ng solid na tropa.

pinapunta kami ng mga CpEDO (CpE Department Officers) sa PE area dahil dun gaganapin ang freshmen day, habang papunta kami dun ipinaliwanag sami ng nga CpEDO kung ano mga gagawin at need nila ng mga participants para sa mga games na hinanda ng bawat president ng department.

habang nakaupo sa pwesto namin pinatayo na ng mga CpEDO ang mga representatives para sa "Cheer Competition" or yell

"okay guys lakas niyo sigaw ng CpE ha, malaki ang points ng audience impact, go guys kaya natin 'to goodluck!"
president ng CpEDO

pang-apat pa magpeperform ang CpE nauna mag perform ang arki,  sunod CE, sunod EE at ang masasabi ko lang magaling ang CE ang laki ng pamilya nila. sumunod na ang CpE at agad kaming nag cheer para sa department namin.

matapos ang cheering ng cpe nagsihiyawan kami lahat. lumipas ang ilang oras matapos mag perform lahat ng department iaannounce na ang winner.

"HELLO FRESHIES! KUMUSTA KAYO?!"
sigaw nung lalaking emcee

naghiyawan lahat ng mga studyante.

"aray ko!"
batid ko. natapakan kasi nung isang cheerer yung paa ko

"ay hala sorry! okay ka lang?"
sabi niya at tumango lang ako. umupo siya sa tabing upuan ko

"so bago ka dito?"
sabi niya, lumingon ako at tumango sakaniya ng nakangiti.

"ako din bago lang din ako kahit hindi mo tinatanong hahahaha"
banggit niya

"Elliott nga pala, CpEBIT1"
pagtutuloy niya habang nakangiti

"kris BIT2 cpe"
sabi ko at ngumiti

"hindi ka madaldal 'no? hahahaha"
sabi ni Elliott

"madaldal naman haha"
ang awkward na ng usapan namin.

"OKAY FRESHIES! HAWAK NA NAMIN ANG RESULTS! WE WILL BE HAVING 4 WINNERS; 3rd Placer, 2nd Placer, 1st Placer and syempre champion! sino kaya partner ang mananalo ngayong year na 'to? "
sabi nung emcee na lalaki

"That's right partner, sino sino kayang department ang nagpahanga sa ating mga hurado today?"
sabi nung babaeng emcee

"okay partner ayoko na mag pa tumpik tumpik pa, let me have the drum roll please technical"
sabi nung lalaking emcee, at tinugtugan siya ng drum roll

"for our 3rd placer, the award goes to...... CBE! COLLEGE OF BUSINESS AND EDUCATION!"
akala ko cpe na hahahaha

"Hala akala ko CpE hahahaha"
sabi ni Elliott, haha same. Pumunta sa gitna ang CBE at nagpicture picture na sila.

"Okay thank you so much CBE, now for the 2nd placer, the award goes to...... ECE! ELECTRONIC COMMUNICATIONS ENGINEERING!"

hmm sana may makuha cpe

"sana may makuha cpe 'no?"
sabi ni Elliott, hindi ko alam kung mind reader ba 'to or what

"wow partner ang wild ng nga freshies grabe mga hiyawaaan! so dahil atat na kayo sa 1st placer eto na mga beshies sasabihin na namin."
inopen ni ateng emcee yung folder

"wow okay so the 1st placer award goes to...... THE COMPUTER ENGINEERING! CONGRATS CPE! "
WE WON!!

"HALA NANALO TAYO HALA!!! "
sabi ni Elliott habang talon ng talon

"Yehey! hahahaha congrats! punta ka na dun oh! "
sabi ko kay Elliott hahaha tuwang tuwa siya ang cute

"halika sama ka"

"ah hindi wag na ayoko"

"okay lang yaaan halika"
hinila ako ni elliot na akala mo close kami

so ayon nga nahila na niya ako sa gitna at kung hindi pala ako sumama sakaniya ako lang maiiwan sa cpe dun sa bleachers.

"okay guys, say CPE!"
sabi nung photographer

"C P E!"

.................................

stay safe!

Green RoseWhere stories live. Discover now