The mystery guy on the jeeney

26 2 0
                                    

The Mystery guy on the Jeepney.

Written by Elmie_Sweet26 

I will dedicate this to ate Denny (hahaha nakiki ate ohh!) IDOL ko kasi siya kaya para sa kanya ito. Sana po magustohan niyo kahit hindi naman masyadong maganda pero maganda naman hehe.

Katatapos lang ng klase ko ngayong at dali-dali agad ako lumabas para makasakay ng Jeep. Hinahabol ko kasi ang oras dahil may part time job pa ako pupuntahan. Minsan nga palagi nalang akong late at buti naman dahil mabait ang boss namin at hindi ako sinisisante. 

Ganito ang palaging routine ko, pasok ng school sa umaga at trabaho naman sa gabi. Hindi naman kasi kami ganun ka yaman para makapag-aral ako sa college.

Minsan nga dahil dito hindi ko na nakakasama mga kaibigan ko. Wala na akong mga oras sa gimik-gimik na yan. At hito ako ngayon, nag-aabang ng jeep pero palagi namang puno, baka ma late na naman ako nito tyempo kasing labasan ngayon at marami ding estudyanteng nag-aabang. 

Ng may humintong jeep sa harapan ko ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy at agad na akong sumakay pero dahil sa kagandahang tayming ay nahulog ang isa kong sapatos kaya ayon. Bumaba ako para kunin yun, pagsakay ko ulit ay napuno na pala, naunahan na ako at ang resulta ay wala ng upuan.

Grrr! Napasabunot nalang ako sa buhok non kainis naman. Sinulyapan ko ang relo ko, ilang minuto nalang at male-late na naman ako nito. Bababa na sana ako ng bigla nalang nagsalita ang taong nasagilid.

"Dito ka nalang miss, mukhang nagmamadali ka kasi."sabi nung lalaki kaya hindi na ako nagdadalawang isip na umupo. 

Nagpasalamat naman ako sa kanya pero hindi ko nakita mukha niya kasi nakahoody siya at nakatingin sa labas. Nakatayo lang siya sa gilid, yung parang kundoktor na sumasabit. 

Nagtataka lang ako sa kanya kasi nakahood siya, hindi naman malamig. Ow well, paki ko naman sa kanya kong maja-jacket siya. Mga ilang minuto ay napansin kung parang nahihirapan na siya sa pusisyon niya, parang hindi nga siya sanay eh.

 Bakit pa kasi siya nag offer, hindi naman pala siya kumportable. Mabuti naman at may bumaba na pasahero kaya umisod agad ako para walang makaupo.

"Kuya, dito ka nalang oh!" napatingin naman siya sa bakanting upuan na tabi ko pero nakayuko lang ito kaya di ko nakita mukha niya. Umupo naman siya agad at sa pag-upo niyang iyon ay hindi ko sinasadyang maamoy ang pabango niya. 

Ang manly ng amoy, parang pang expinsive nga lang iyun eh. Hindi kasi ordinaryo ang amoy, parang pang amoy mayaman. Nakita ko naman kaunti ang buhok niya, parang basa pa ito. Bago pa siguro siyang ligo. 

Huminto naman ang jeep non sa harapan ng isang eskwilahan may bumaba naman pero mas maraming sumakay. Naiinis na ako non dahil sik-sik ng sik-sik ang katabi ko. Nakakainis talaga si manong driver alam naman niyang punong-puno na pero pinapaisod parin niya kami. 

May mga ilan nga na nagrereklamo eh. Ang sikip na daw pero siya, pasakay parin ng pasakay. Napalapit nga ako masyado sa lalaking katabi ko. Buti naman at hindi siya naiinis. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My One Shot Stories(MOSS)Where stories live. Discover now