Part 5: Can't Control The Nerve

6 0 0
                                    

Tapos na ang semester sa La Salle at ilang linggo nalang ay magsisimula na ang panibagong school year ni Ryan sa bagong school na papasukan niya.

Hahang bakasyon ay inilibot sya ni Casper sa ibat ibang lugar sa maynila. Minsan kasama ang magulang ni Casper at minsan mga kaibigan nila. Meron silang isang kaibigan na may gusto kay Casper, alam ito ni Casper kaya may kaunting pagka-ilang si Casper dito. Ang pangalan nya ay Mariz, very vocal si Mariz sa nararamdaman nya para kay Casper. Palagi silang nag kakabiruan ni Casper at maalaga din si Casper sa kanya.

October 2018
Dinala ni Casper si Ryan kasama si Mariz sa Star City, ang pinaka sikat na amusement park sa Philippines.

=RYAN POV=
Maaga palang ay nakapila na kami sa entrance dahil sobrang haba ng pila dito at maraming mga turista na nanggaling pa sa malalayong provinces na noon lang nakapunta sa Star City.

Kasama ko si Mariz na bumili ng ticket habang nagiintay naman si Casper sa pila. Nag hiwalay kami para habang bumibili kami ng ticket ay meron na din kaming pila sa entrance.

Matagal ko nang gustong pumunta dito dahil pangarap kong makasakay sa Star Flyers, Wild River pati na din sa Anchors Away. Pero sobrang bawal sakin dahil baka atakihin ako sa puso.

1 HOUR LATER

Nakapasok na kami at ang una naming pinasukan ay ang Gabi Ng Lagim. Sa sobrang takot at si Casper lang ang matapang sa mga ganung bagay, naguunahan kami ni Mariz sa pagyakap kay Casper dahil sobrang takot kami. Hindi ko alam kung bakit sa mga Horror House nawawala ang pagka lalaki ko.

Nang nasa gitna na kami ng Haunted House, nabitaw ako kay Casper, hindi ko alam kung pano ako lalabas sobrang takot na takot ako. Walang mga nakasunod na tao. Nawala na sila. Ang nakikita ko nalang ay yung kabaong sa gilid ko na may parang tao na tumatayo. Mababaliw na yata ako! Hindi ko talaga kayang idilat ang mga mata ko dahil baka mamaya may totoong multo na don hindi ko alam. Sobrang nakakatakot din yung tunog. Maya maya biglang may naririnig akong tumatakbo! Sobrang kinakabahan ako kasi baka mamaya may tao na nagpapanggap na multo na lalapit para manakot. Nagulat ako dahil may biglang yumakap sakin tas ang higpit na parang ang tagal na di nagkita. Tas bumulong sya sakin sabi nya "pikit ka lang yakap ka lang sakin wag ka na matakot sorry di na kita dadalin sa ganito wag ka na matakot kalma ka na yakap ka na sakin." Narealize ko na boses ni Casper yun. Wala akong ibang nasabi kundi "mga walang hiya kayo ang bibilis nyo lumakad ni Mariz, dapat kayo nalang pumasok dito susmaryosep! Baka iuwi nyo ako ng bangkay pag ganito." Para hindi na raw ako matakot papalabas kinuha nya ang panyo nya tapos tinakpan nya ang mata ko, tumalikod sya saka nya ako pinasan hanggang sa labas. Hindi ko din alam kung bakit ako pumasan sa kanya pero wala na akong ibang maisip kundi makalabas sa sobrang takot.

Pag labas namin, binilan ako ng tubig ni Casper, sobrang putla ko daw kasi at ang lamig ng palad ko.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay kinuha nya ang mga palad ko saka nya hinipan. Sabi ko "ano yan?" Ang sabi nya, "hihipan ko para di na malamig yung palad mo okay ka lang ba?" Sabi ko oo okay na.

Pagkatapos non, mga ilang minuto na pahinga, lumakad na kami papalabas sa open ground ng Star City, andun ang Star Flyers at Wild River.

Nakatulala lang ako sa taas ng Star Flyers. Sinabi ko rin kay Casper na pangarap ko na sumakay sa Star Flyers kaso bawal sakin.

Ryan: pangarap ko yan star flyers saka yun. Yung wild river!

Casper: di ko kayang sakyan yan. Takutin mo na ko wag lang yan.

Ryan: sana kaya ko sumakay jan.

Casper: bat naman hindi?

Ryan: baka kasi tumigil puso ko jan.

Casper: hindi yan andito naman ako antayin kita.

Ryan: samahan mo ko?

Casper: nako di ko kaya.

Ryan: sige wag nalang tara ikot na tayo Mariz.

Mariz: huy ano yan? Tampo effect?

Ryan: baliw hindi! Wala din namang may makaka kaya sumakay sa inyo jan!

Casper: tara na samahan na kita.

Ryan: wag na baka mapano ka pa

Casper: (hinablot ang kamay ni ryan at hinila papunta sa pila ng entrance sa Star Flyers)

(Nung nakasakay na kami sa Star Flyers, pansin ko na kinakabahan si Casper kaya sabi ko...)

Ryan: Oh.. (inaabot kamay)

Casper: ano yan?

Ryan: you trust me?

Casper: oo naman

Ryan: hawak ka sakin para alam mo na kasama mo ko

(Humawak naman si Casper. Pero nung bumabaliktad na yung Rides, parang di ko na maramdaman yung lula. Ang nararamdaman ko nalang yung piga ng kamay nya! Grabe ang sakit! Kaya hanggang sa Wild River tatlo kami nila Mariz na sumakay. Nasa gitna ako at nasa pinaka dulo si Casper, pinayakap ko sakin si Casper para di matakot.)

=CASPER POV=
(Pagkababa ng wildriver)

Casper: okay buhay pa ko. Okay ka lang mariz?

Mariz: oh yes, im alive alert awake nasusuka akiz.

Ryan: (tumatawa sa sinabi ni mariz)

Casper: ikaw Ryan?

Mariz: okay lang yan di naman nakahinga yan sa sobrang sakal mo jusko ka Casper ang gwapo gwapo mo tas takot ka sa ganyan! Aruy! Pero infairness! Nung pag baba dun sa pinaka mataas!! Ay boy! Nagising ang dangal ko talaga! Jusko! Sumiklab ang Katipunan sa pagkatao ko!

(Nagtatawanan lang si Casper at Ryan dahil sa kalokohan ni Mariz)

Casper: oryt! Its my turn! Round and round naman!!! Ferris Wheel!

Ryan: nako Casper! Di ko kayaaaa!

Casper: kasama mo naman ako!

Ryan: Nako tignan mo salamin yung ilalim! Baka pag uwi ko salamin na nasa harapan ko may cabinet pa! (Kabaong ang ibig sabihin ni ryan) jusko magliliwanag ang bahay namin sa probinsya Dahil jan Casper!

Casper: para kang timang kung ano ano pinagsasabi mo! Yan na nga lang gusto ko sakyan. Sige na wag nalang. San mo ba gusto.

Mariz: lu lu lu lu!!! May tampo effect din ang tito mo!

Ryan: ayon..... dinadaan ako sa patampo.

Casper: di na nga tara na.

Ryan: o sige tara. Pasok na jan sa entrance.

Casper: Ferris Wheel?

Ryan: oo! Mariz sama ka!

Mariz: oh my life! Baka bahay naman namin ang magliwanag! May pinag aaral pa ko! Bubuhayin ko mga magulang ko!

Ryan: Bubuhayin ka jan! Patay na ba?

Mariz: hoy! Bunganga mo din e no!

Ryan: Baliw! Tara na!

Casper: sakin ka tumabi Mariz.

Ryan: (at ang ending ako pa ang walang katabi?) ayun pala mariz! Kaya ko naman mag isa.

Sumakay na silang tatlo at habang umiikot pataas ang ferris wheel, pansin sa mukha ni Ryan na talagang kinakabahan na sya dahil umaangat at takot sya sa mga heights kaya kahit naka pulupot sakin si Mariz ay pumunta ako Ryan, at pinalupot ko ang braso ko sa kanya at ang right hand ko naman ay ipnangtakip ko sa mata nya. Maya maya pa ay nasa pinakatuktok na sila at biglang umalog ang sinasakyan nila kaya napayakap si Ryan sa akin hanggang sa makababa na kami. Simula non nakaakbay na ako sa kanya kahit san kami magpunta.

After siguro ng mga isang oras, nagulat nalang si Casper ng biglang nakita nya na nandun din si Trish.

Go to chapter 6..

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Jan 16, 2021 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Can't Say I Love YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя