(01)

16 0 0
                                    

[Simula]


"Our love is like a wind i can't see it but i can feel"

"Lui! Halika na nakakaiyak na yong story namatay si Jamie" Mangiyak ngiyak na sabi ni shania sakin.

Nandito ako ngayon sa sala kumukuha ng "Iced tea" nang marinig ko ang sigaw ni Shai.

"Wait lang ano?! Bat mo sinabi?! Spoiler ka!" Sabay bato ko sakanya ng unan.

"Gaga! Nanonood na nga tayo diba e ang tagal mo!" Sabi niya.

"Ito na po yong Iced tea niyo Senyorita!" Nilapag ko ang Iced tea sa mukha ni Shania. Ayan Shai inumin mo pati baso! Char

"Lui bisita mo ako dito kaya dapat pag silbihan mo ako" Sabay kibit balikat nito.

"Humayo ka sa mahal na Reyna" Sabi nito na ikinakunot ng aking noo. Hinampas ko na naman siya ng unan dahilan ng pag alog ng kanyang Iced tea.

"Ouch! How dare you to hurt me? I'm the majesty and you should respect me!"  Sabi niya

Binilatan ko na lang siya at tumabi na rin sakanya para makag focus na ako sa pinapanood namin.

Natawa na lang ako dahil sa ginagawa niya ngayon umiiyak siya ang pangit pa naman niya umiyak joke Shai, mahal kita.

"Nakakaawa si Brendon" anito sabay palis sakanyang luha.

"Brendon? Gaga! Landon yun!"

"Ay landon pala katunog lang naman e! Oa mo"

Si Landon iyong bida sa pinapanood namin na "A walk to remember" iyon ang na  isipan naming panoorin ni Shania at kakatapos lang namin itong panoorin at ngayon para na siyang tuta rito kaka iyak daig pa niya ang bida.

Nandito kami ngayon sa bahay ni lola Merlita dahil uuwi na si Mama galing hongkong OFW siya doon napag desisyonan kasi ni mama na dito umuwi  sa probinsya namin kasi nandito ang kanyang  pamilya at namimis narin niya si Lola at mga relatives niya kaya ayon labag man sa loob namin ni Kevin ang ulopong kong kapatid na dito na lang kami sa bahay ni lola merlita ay pumayag na lang kami kasi bakasayon naman kasi at wala na kaming klase.

Si mama narin kasi mismo ang nakiusap saamin na pumayag kami kasi alam niya na ayaw namin sa bahay nato kasi bukod sa walang signal dito ay masyadong luma ang bahay  dito sa batangas kailangan mo pang umakyat sa puno bago magkaroon ng signal ang cellphone mo. Ayaw na ayaw  ko pa naman dito ang dami kong childhood bad memories.

Hinatid kami ni Daddy rito kahapon at nandito ako ngayon sa  kwarto ko sa bahay ni Lola kaya laking gulat ko dahil  dinala ni dad si Shania dito para hindi daw ako mabored hindi alam ni dad na hindi talaga ako ma bobored kapag kasama Si shania dahil nag dala ba naman ng "Flashdrive" na puno ng movies kaya agad namin iyon pinanood.

Wala ngayon Si lola dahil namamalengke siya pero alam niyang dadating si Shania ngayon kaya dali daling namalengke muna si lola hindi sayang at hindi niya naabutan  ang pag dating ni Shania kasi maaga umalis si lola.

"Next movie ulit tayo luis" sabi ni shai sabay hampas sakin ng unan.

"Game!-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lola.

"Mga hija gusto niyo bang kumain ng ginataang saging?"
Natigil kami sa ginagawa namin ni shania dahil pumasok lola na may dala dalang mangkok  na puno ng ginataang saging at inilapag niya iyon sa gilid ng aking mesa. Nandito na pala si lola, hmm sarap ng saging.

Behind the old telephone Where stories live. Discover now