"What is this place, seriously?" Narinig kong tanong ni Xzan habang inililibot namin ang hawak naming flashlight.


"I suspect this is a sewer.." Tugon ni Nicole habang nakatutok ang flashlight niya sa mga daga na nagsisitakbuhan at mga ipis na nasa dingding.


"Ay tokwa, huy Sampid may tao nga. Y-yung baril!!"


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Aligaga kami na nag-ayos at hinawakan ang mga armas. "Hello?!" Sigaw ko.


"Please, h-hindi kami kaaway. Hindi kami kaaway." Nag-echo ang boses ko sa buong lugar.


"Punyeta, hinaan mo ang boses mo, kung sino ka man! Maririnig nila tayo!!" Hindi ko alam kung narinig ko ba ng tama ang sinabi ng lalaki.


Habang si Alec ay hinahanap kung saan nanggagaling ang boses, naglakad ako at itinutok ko ang flashlight sa kabilang side at nakakita ako ng lagusan kung saan may dalawang lalaki na nakatutok ang dalawang malalaking baril sa akin. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang hawak kong flashlight.


"S-Sino ka?" Tanong ng isang matangkad, moreno at nakasuot ng school jogging pants at duguang tshirt. Ang isang kasama niya naman ay matangkad din ngunit maputi, singkit ang mata at mas mukha pang babae kaysa saakin.

"W-wait wait! I can explain.." pigil ko sa kanila. Kung nakakapatay lang ang lalim ng tingin nila sa akin, kanina pa ako patay dito.

Naramdaman ko ang mga katawan ng mga kasama ko na nasa likod ko na ngayon. Ramdam ko naman ang paghinga ni Alec na nasa likod ko. Napalunok ako nang nakaramdam ako ng kiliti.



"Ibaba niyo ang mga baril niyo." Hinawakan ni Alec ang pulso ko ng mahigpin at pinunta niya ako sa likod niya.

"Tinatanong namin kung sino kayo, bakit hindi niyo sagutin?" Nagsalita naman ang kasama niyang lalaki na may pagka-slang pa ang pananalita.


"Wait a minute." Pumaharap sa amin si Aliah. Nagtaka naman ako nang tinitigan niya ang dalawang lalaki. Weird.


"Sam? Pinsan?" Turo niya sa lalaking maputi. Tumingin naman siya sa lalaking moreno. "Kuya Edmar?"

"Aliah?" Tumawa ang lalaking moreno at ibinaba ang baril niya. Okay. What's going on here?

"Huh? Edmar?" Binaba naman ni Alec ang baril niya at naglakad papunta sa Edmar. Kumunot naman ang noo ko nang hinawakan niya ang balikat nito. "Tatay?"


Napapikit ako nang narinig ko ang pagbatok nitong si Edmar kay Alec. Napadaing naman si Alec sa sakit. "Ouch?"


"Gago, 'di ako ang tatay mo." Binitawan ni Edmar ang baril niya at inayos ang damit. Tinignan niya kami isa-isa. "Hindi kayo nagsasabi, kayo lang pala yan. Mga tarantado."


Huh? Kilala niya kami? Hindi ko naman siya kilala ah? Although they kinda look familiar— oohhh. Dang it.






THIRD PERSON'S POINT OF VIEW



"Ah, I remember it already haha. Wait— joke. Naaalala ko ang mga faces niyo but the names? Hehe." Awkward na sambit ni Sam.



Fearing The Unknown Where stories live. Discover now