1

5.9K 71 4
                                        

Maagang nagising si Gabrielle hindi para maaga siyang makapasok sa eskwelahan kundi para lumabas panandalian sa kanilang bahay para masilayan ang taong dahilan ng mga ngiti niya.

Masayang inunat nito ang dalawang kamay at patalong tumayo sa malambot niyang kama.

"Magandang umaga!" Masiglang bati nito sa ama't inang parehong napalingon sa kanya. Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit maagang gumising ang anak sa hindi karaniwang gising nito,hanggang sa nagkatinginan nalang ang mag asawa ng makitang lumabas ang anak.

"Pabili po!" Malakas na tawag ng dalaga mula sa labas ng tindahan na mismong katapat lamang ng bahay nila.

Kinakabahan siya, may parteng nag babakasakaling pagbibilhan siya ng anak ng kapitbahay na nakikita niya tuwing umaga kapag papasok siya.

Mula sa kulay pulang pinto ay lumabas ang isang dalagitang kanyang inaasahang makita. Biglang nag diwang ang kaloob looban niya ng masilayan ang dalaga.

"A-ano po?" Nahihiyang usal nito ng makaharap ang bumibili sa munting tindahan nila.

Siya si Angel Dela Fuentes, pero mas kilala niya ito sa palayaw na 'gel'. anak ng may ari ng sari sari store na binibilhan ngayon ni Gabrielle na katapat lang ng bahay nila.

Sa totoo lang, mayaman naman sila pareho, anak ng business man si Gabrielle samantalang ofw naman sa ibang bansa ang mga magulang ni Angel. Nakatira sila sa iisang village pero madalang lang nakikita ni gabby si Angel dahil hindi ito madalas lumalabas.

"Hi pabili!" Masiglang bati niya sa dalaga, masaya siya dahil nasilayan na naman niya si Angel na kanyang inaabangan palagi kapag lumalabas sa bakal na bakod nito.

Sa muling pagkakataon ay napagmasdan na naman niya ang kabuuan ng dalagita, katulad nung isang araw na bumili siya ng ganitong oras ay nakauniporme na itong pangpaaralan at nakapulupot pa ang makapal na puting tuwalya sa buhok nitong basa pa.

Bagay talaga sa kanya ang uniform niya.usal niya sa isipan ng makita ang kabuuan nito.

"Ahmm,pabiling paracetamol" wala sa sariling sabi niya habang nakatutok sa katawan ng dalaga ang mga mata.

Hindi nya alam kung bakit iyon ang binili niya gayong wala naman siyang sakit, pero nakararamdam siya ng init ng katawan simula ng makita niya kung gaano kaiksi ang palda nito at kung gaano kaputi ang mga hita nito.

Si gabby ay isang bisexual, hindi iyon alam ng mga magulang niya dahil wala naman siyang balak na umamin sa mga ito, pero kahit ganon ay kilos dalaga parin siya at napakasexy kung manamit, kung sa pisikal na kaanyuan mo lang titingnan ay talagang hindi mo mahahalatang lumihis din ito kay adan at eva din ang hanap.

"Ilan?" Napakurap siya ng mata ng mapagtantong natulala na naman ito sa dalaga, sino nga naman ang hindi matutulala sa katulad ni Angel na sobrang ganda?, sobrang puti at halatang malinis sa katawan. Ang amoy nitong kahit sa labas ng tindahan ay naamoy niya. Maganda ang mga mata, may maliit ngunit matangos na ilong at may makipot na mamula mulang labi. Dagdag pa ang kakinisan ng mukha nito na hindi manlang ata natutubuan ng pimples sa mukha.

"I-isa lang" pakunwaring umubo si gabby para hindi nito mahalatang nauutal siya, tuwing umaga ay bumibili siya sa tindahan ng mga ito, hindi dahil kailangan niya kundi para masilayan ang dalaga. Ngunit hindi naman niya ito laging nakikita dahil karaniwan ay matandang babae ang nagbabantay ng tindahan nila na alam niyang lola nito.

"D-dalawa p-pala" sinundan niya ang walang kamalay-malay na dalaga na inabot ang gamot tsaka binigay sa kanya.

Agad niya itong kinuha at hindi inaasahang mahawakan niya ang kamay nito na lalong nagpakabog ng dibdib niya, nakaramdam siya ng kakaibang koryente ng maglapat ang kamay nito sa kanya.

Faithful Love (GxG) (Spg)La tua prossima ossessione. Scoprilo ora