"O M G! so meaning may pa surprise ka sa akin?" hindi ko napigilang pumalakpak.

Ngumisi lang siya at ibinaling na ang paningin sa daan.

Crisanta, for now. I-enjoy mo lang ang moment. Maniwala ka sa kanya at huwag mo siyang pagdudahan. Kung ano man ang ginagawa niya ngayon, paniwalaan mong para sa inyong dalawa iyon.

Ipinilig ko ang ulo at sumandal sa upoan. Pinili ko nalang na i-enjoy ang moment ko na kasama niya.

"We're here" masigla niyang sabi at mabilis na bumaba sa kotse niya at lumibot sa side ko. Pinagbuksan niya ako at mabilis na hinawakan ang kamay.

Napalinga ako sa paligid, mukhang nasa isang subdivision kami.

"Asan tayo?"

"In my House"

"Ha? Bakit tayo nandito?"

Ngumiti siya at mabilis akong hinila.

"Just wait and see" tanging sabi niya lang.

Dahil mag gagabi na kaya madilim na ang loob ng bahay niya ng pumasok kami. Habang nasa entrance pa lang ako ay tinakpan niya ang mga mata ko. Napa-iling nalang ako. An daming drama ng kumag. Iginiya niya ako ng dahan-dahan. Nagpipigil naman ako ng hininga dahil palakas ng palaks ang pagtibok ng puso ko dahil sa antisipasyon. Na e-excite ako kung ano ang surprise niya.

"Okay we're here. Close your eyes still and open it if I said so" bulong niya at dahan-dahang tinanggal ang mga kamay niya mula sa mga mata ko. Sinunod ko naman ang sabi niya na huwag buksan ang mga mata.

"Ayusin mo iyan Jacobo ha, malilintikan kita pag ginugoodtime mo lang ako" pagbibiro ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. Ngunit natahimik na ito. Mga isang minuto pa akong nakapikit ng magsalita siya.

"Open your eyes slowly" mahinang sabi nito.

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at hindi ko na din napigilang ibuka ang bibig ko.

Nakita kong nakaluhod si Jacobo sa harapan ko dala ang isang tarheta na may lamang singsing, sa paligid ay nagkikislapang mga ilaw at nagkakalat na mga balloon na kulay pink at pula at may lamesa sa may terrace na mukhang dining table.

"Crisanta, Here's the ring that I should give you when I ask you to marry me a month ago"

Hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko. Parang tanga to, installment ang proposal amf.

"Kakainis ka" munting nasabi ko at ini-umang sa kanya ang kaliwang kamay ko.

Mabilis niyang isinuot ang white gold na singsing na may munting diamond na nakapatong. Simple lang pero elegante. Hinalikan niya ang daliri kung saan niya isinuot ang singsing at tumayo.

Hindi ko napigilang yakapin siya.

"I bring you here in this house because soon it will be our safe haven, I want you to become my better half and the mother of my children, I love you so much Crisanta"

Humiwalay ako sa yakap at inabot ang mukha niya.

"Yes na yes po Poging Jacbo, I love you too!"

Hinalikan niya ako sa noo, sa mata, sa ilong at sa huli ay sa labi.

Napakasaya ko sa oras na ito kaya natatakot ako sa maging kapalit. Ngunit iwinaksi ko ang mga iniisip at tumugon sa kanyang mga halik.

Matapos ang nakakapugtong halik na iyon ay dinala ako ni Jacobo sa dining table na nakapwesto sa terrace. Inilibot ko ang tingin, napakaganda ng tanawin dahil matatanaw mula doon ang ilaw ng syudad at malamig din ang simoy ng hangin.

I hate you BossWhere stories live. Discover now