Umiling naman ako. "No. I'm sorry kung hindi kita pinatulog kagabi."

"Let's just not fight again over someone, over Troye. Can we?" malungkot na tanong niya.

Tumango naman ako.

"Can you avoid him? Hindi ko maiwasan na hindi magselos sa kanya."

I saw pain in his eyes.

"Please..."

"Okay."

Ngumiti pa ako sa kanya. Nakita ko naman ang tuwa sa mga mata niya.

Kaya ko bang iwasan si Troye? Dapat ay kayanin mo, Zira! This is choosing between Troye and Gio. And obviously you should choose Gio!

Nagpaalam na sa akin si Gio dahil maaga ulit ang laro nila. Hindi ko pa rin matanggap na hindi na ako makakalaro ngayon.

"Zira."

Nilingon ko si Papa. "Pa."

"Aalis na ako mamaya at ang hirap na aalis ako na ganyan ka," malungkot na sabi niya.

Ngunitian ko naman siya. "Pa, I'm fine. Strong kaya ang bunso mo."

"I know, Zira." Humalik siya sa noo ko. "I love you..."

Parang hinaplos naman ang puso ko. "I love you always, Papa. You are my first love."

Wala akong ibang ginawa kung hindi ay manood ng movie.

"Zira, nanjan si Queen."

Kinatok ako ni Mama.

Kumunot naman ang noo ko. Bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito si Queen na mukhang biyernes santo ang mukha.

"O, 'di ka nagpunta sa St. Celestine?" nagtatakang tanong ko.

Ngumuso naman siya. "E, ano namang gagawin ko doon? Wala ka."

"Sina Eiron?"

Umirap naman siya. "Wag mo na nga binabanggit ang isang 'yon."

"At bakit? L.Q?"

Naningkit ang mga mata niya. "Anong LQ? E, hindi naman kami lover. Nang-aasar ka ba?"

Tumawa naman ako. "Galit na galit, girl? Bakit ba?"

"Basta. Ayoko muna ikwento. Masyado pa akong nasasaktan."

Napailing na lang ako at hindi na muna siya pinilit. Magkukwento rin 'yan kapag gusto niya.

Kung kanina ay tawa kami nang tawa sa pinanood namin na comedy ngayon naman ay para kaming nagpapaligsahan sa pag-iyak. Hindi ako madalas na umiiyak sa mga movies pero ngayon ay feeling ko ay kailangan na kailangan kong umiyak.

"Crying ladies, mag meryenda muna kayo," si Mama na kapapasok lang dito sa kwarto.

"Ang drama naman natin," sabi ko.

Nagtawanan naman kami ni Queen.

"Tita, the best talaga 'tong carbonara mo!"

Makahulugang tinignan ni Mama si Queen.

"Queencel."

"Po?" tanong ni Queen sabay kunot ng noo.

"Si Zira magulo ang lovelife. E, ikaw ba?"

Humagalpak naman ako sa tawa. Ngumuso naman si Queen.

"Wag mo sabihing bokya ka ulit?"

"Tita!"

Lalo akong humagalpak sa tawa.

"Wag mo na kasing itanong, Mama," sabi ko sabay tawa.

Ngumuso naman siya. "Kaibigan ni Troye 'yong gusto ko, Tita."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now