Chapter 26: Paranoia

Start from the beginning
                                    

Ayon. Ayon ang nangyayari samin ni Mikay.

Yung mga mood swings niya na hindi ko mawari. 

Hindi ko madetermine.

Bigla na lang magagalit. 

Hindi ko papansinin.

Bigla na lang iiyak.

Yayakapin ko. 

Maiinis.

Susuyuin ko.

Magiging parang bata.

Odiba? Sinong hindi 'MALOLOKA' dun!? 

Kung baliw siya, ako nasisiraan na ng ulo.

Grabe. Ang hirap i-handle.

Gusto niyo sample? Teka...

-FLASHBACK-

Maaga akong nagising kasi may meeting ako sa opisina. 

Dahan-dahan akong umalis sa kama, para hindi magising si Mikay. 

Nang makapag-ayos na ko ng sarili, kumuha ako ng papel.

Baby,

 

Umalis na ko ha? Nahatid ko na din si Mikki. May meeting pa kasi ako baby eh.

Don't worry aagahan ko umuwi, promise. 

Nakapagluto na din ako, kakainin mo na lang.

PLEASE. KUMAIN KA. 

Ingat ka. I love you. :*

-the most loving husband. 

 

At ayun. Nilagay ko yun sa mirror niya para mabasa niya agad. 

Tapos, umalis na ko.

Kalagitnaan ng meeting, kalagitnaan ng pagsasalita ko sa mga investors namin, bigla namang may tumawag..

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now