Chapter 34: 2 seconds

Magsimula sa umpisa
                                    

“But he’s a good kid.” Nang marating ko ang table ko ay inilapag ko na doon ang mga gamit ko. Umupo naman sa tabi ko si Leonna.

“Well apparently he’s not that good.”

“Don’t say that. Mabait si Kit, Leo.”

Hinanda ko na ang materials ko bago lumabas ng faculty. Papunta na nga sana ako sa first class ko nang makasalubong ko si D. Halata sa mukha niya na wala siyang ganang makipag-usap. Galit din ang nakikita ko ngayon sa mukha niya.

“D.” Huminto ito sa harap ko. “Bakit ka pinatawag? May problema ba?”

Huminga siya nang malalim at nagkamot ng ulo. “Mamaya nalang tayo mag-usap.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako. Pinanood ko nalang siyang maglakad palayo saakin. Apat na salita lang ang sinabi niya pero hindi ko alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Feeling ko biglang bumigat ang dibdib ko.

Tinawagan ko si Miyuki nang matapos na ang klase. Naka-leave naman siya ngayon kaya ayos lang na tawagan siya.

“Ayaw ka niyang kausapin?”

“I don’t know. But I’m upset. Lagi niya akong siniset aside kapag namromroblema siya.” Wala akong karanasan sa boyfriends maliban kay Jake. God! I hate to admit it but I don’t know anything about relationship! “Ayos naman kami kahapon. Well, maliban sa medyo moody kaming dalawa but we’re fine naman. Ang hirap lang kasi na wala naman saamin yung nagcreate ng problem?”

“You’re thinking too much JL.”

“I am?”

“Baka. Bago palang naman yung relasyon niyo at medyo nangangapa ka pa. Ganun din siya.”

“He didn’t even court me. Iniisip ko tuloy na baka dahil agreement lang ang lahat. He’s stupid! I think I’m gonna go out tonight.”

“Relax JL. Huwag mo ng dagdagan yung stressed niya.”

“Thanks Miyuki. Bye.” Pagkatapos ko siyang tawagan ay si Cole naman ang tinawagan ko. I can’t go out with Leonna. Sasakalin lang niya ako kapag nalaman niyang namromroblema ako sa taong gustong-gusto niya.

Nagkita kami ni Cole sa isang restaurant para kumain. Actually, we’re done eating. Kumakain nalang kami ng desserts at pinapakinggan niya ako sa mga reklamo ko sa buhay, kay Damian to be exact.

“Can you believe that? Naiinis ako sakanya.” Reklamo ko kay Cole.

“Pero sabi niya kakausapin ka niya”

“He didn’t. Nakita niya ako bago ako umuwi pero wala siyang sinabi saakin. Kahit nga bye wala siyang sinabi.” Kasalukuyan kong hinaharass ang fork dahil ayaw kong may masayang sa cake na kinakain ko.

“That’s distracting JL.”

“Ang alin?”

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon