Part 1: Ryan's Past

5 0 0
                                    

(Ryan's POV)
Simula pagkabata, pangarap ni Ryan na maging proud sa kanya ang kanyang pamilya. Laging naghahanap ng atensyon si Ryan sa kanyang pamilya pero hindi nya kailan man nakuhang maramadaman na importante din sya.

Natapos ni Ryan ang kursong Education sa Adford College, mula nang sya ay nasa primary hanggang secondary ay hindi sya nagkakaroon ng mga medal o kahit anong awards kahit noong nasa unang level hanggang sa pangatlong level na nya sa college, never sya nagkaroon ng matataas na scores at grades. Pakiramdam ni Ryan na kahit kailan hindi nya magiging kasing galing ang kanyang mga pinsan na palaging ipinagmamalaki ng pamilya sa lahat ng mga magiging bisita at makikilala.

Sa college days ni Ryan, nakilala nya si Cath. Unang kita palang ni Ryan kay Cath alam na niya na sya na yung babaeng pakakasalan nya. Ginawa lahat ni Ryan para mahulog din sa kanya si Cath na sa mga panahon na yon ay kakahiwalay pa lang nya sa ex-boyfriend nya. Pinilit ni Ryan na pasayahin si Cath dahil ayaw nya na nakikitang umiiyak si Cath. Hanggang sa sinagot na sya ni Cath. Sobrang minahal ni Ryan si Cath na halos sa lahat ng pangarap nya kasama si Cath. Sa sobrang bait ni Ryan, natanggap agad siya ng mga magulang ni Cath. Kapag nag aaway sila ni Cath mas pinapaboran pa ng mga magulang ni Cath si Ryan dahil mahal na din sya ng mga magulang ni Cath. Sa lahat ng panahon na kailangan ni Cath si Ryan, kahit mahihirapan sya na pumunta, kahit sobrang lakas ng ulan, susuyurin ni Ryan ang lahat mapuntahan lang si Cath. Bago pumanaw dahil sa sakit na cancer ang mommy ni Cath, ang unang hinanap nito ay si Ryan, at ng makita na ng mommy ni Cath si Ryan ay tumulo ang mga luha nya at sinabi nya kay Ryan na "anak, isa ka sa mga magandang nangyari sa buhay namin, unang beses pa lang na makita kita na kasama mo si Cath, alam ko na agad na pwede na akong magpahinga dahil alam ko at ramdam ko na hindi mo pababayaan ang anak ko. Wag mo syang sasaktan kapag nandun na ko sa kabilang mundo. Lagi mo syang aalagaan. Wag mo syang susukuan. Anak lagi mong tandaan na minahal kita na parang anak ko at proud na proud ako sayo, sa lahat ng mga pangarap na nabuo sa isip mo, dahil lahat ng mga yon ay kasama si Cath ang ang pamilya nya. Binibigay ko na sayo ang kamay ni Cath. Pag tama na ang panahon, gusto ko na ikaw ang maghihintay sa kanya sa simbahan. Ipangako mo sakin na mamahalin mo sya ng lubos. Wag mo syang iiwan.
Mahal kita anak." Pagkatapos sabihin ng mommy ni Cath ang mga salitang iyon ay pumikit na ito unti unti nang binawian ng hininga.

Apat na buwan bago makatapos sa kolehiyo si Ryan ay naisipan niyang mag pasa ng application sa isang maliit na school sa town kung saan sya nakatira at sa di inaasahang pangyayari ay natanggap sya. Kaya nang dumating na ang Graduation Day nila, binigyan ng Adford College ng award si Ryan na OUTSTANDING STUDENT AWARD kung saan tanging sya lang ang nagkakaron at yun ay pangarap ng lahat ng estudyante sa paaralang iyon.

March 2018
Nang malapit nang magtapos ang kontrata ni Ryan sa school kung saan sya natanggap, naramdaman nya na may kulang at parang hindi na sya masaya, matagal na pinapangarap ni Ryan na makapag trabaho sa La Salle International Academy at napag desisyunan nya na mag apply dito. Tinawagan nya agad si Cath para magpaalam at pumayag naman si Cath. Nagtataka si Ryan kung bakit napapayag si Cath na kaunaunahang may ayaw na magtrabaho si Ryan sa Manila.

2 weeks later, may natanggap si Ryan na tawag galing sa La Salle, at good news, tanggap sya. Tinext nya agad si Cath:

Ryan: Love, san ka? Kita naman tayo. May good news ako sayo!
Cath: Hi love! Sorry ngayon lang ako nakareply busy kasi ako sa work. Dito mo nalang sabihin sa text.
Ryan: Magkita na tayo love 1 month na halos tayo di nag kikita.
Cath: Ryan, dito nalang. Please. Sobrang dami ko ginagawa ito muna uunahin ko.

Kaya naisip ni Ryan na sunduin nalang si Cath sa office nya. 9:30 PM na at lumabas na si Cath. Nasa loob ng sasakyan si Ryan. Nung papalabas na sya ng sasakyan nya, nakita nya na bigalang may lumapit kay Cath na lalaki, at mukhang kilala ito ni Cath dahil sobrang ganda ng ngiti sa muka ni Cath. Yun ang Ex-boyfriend ni Cath na nagpaiyak sa kanya. Nagulat sya dahil bigla silang nag hawak ng kamay. Bumaba si Ryan at lumapit pinipilit nyang hindi tumulo ang luha nya.

Ryan: Cath,
Cath: Oh my gosh, Ryan anong ginagawa mo dito.
Ryan: Bakit Cath? Kailan pa?
Cath: Ryan, I'm sorry. Hindi ko sinasadya.
Ryan: Kailan pa, Cath?
Cath: 3 weeks.
Ryan: Pano Cath? Ano nangyari? San ako nagkulang? Patawarin mo ko kung may mali akong nagawa Cath. Wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Di ko kaya Cath.
(Nangingig ang boses ni Ryan dahil pinipigilan nyang umiyak kaya malumanay lang sya nag sasalita)
Cath: Yan Ryan, nasasakal na ko. Lahat kailangan sinasabi ko. Lagi kang nanjan. Kahit hindi kita kailangan nanjan ka. Kahit hindi kita tawagan sinusundo mo ko. May buhay din ako na gustong maranasan Ryan. Hindi lang satin umiikot ang mundo ko.
Ryan: Cath, sayo ko lang naramdaman na may nag mamahal sakin. Sayo lang umikot ang mundo ko. Lagi akong nanjan kahit hindi mo ako tawagan at kahit hindi mo ako kailangan. Susunduin kita kahit di mo sabihin. Pupuntahan at susunduin kita kahit pagod na pagod na ko sa trabaho pinipilit ko Cath! Pinipilit ko na maging lagi nanjan para sayo. Dahil mahal kita Cath. Ikaw ang buhay ko.
Cath: ayoko na Ryan.
(Lumuhod si Ryan sa harapan ni Cath, nagmamakaawa na wag syang iwan)
Ex-Boyfriend: pare tumayo ka jan wag mong yakapin ang girlfriend ko.
(Tumingin lang si Ryan, gusto nyang suntukin at sapakin ang exboyfriend ni Cath pero wala na syang pakialam dahil si Cath ang pinakikiusapan nya.)
Cath: tumayo ka jan Ryan tumayo ka jan.
Ryan: sabihin mo Cath, mahal mo pa ako diba please  Cath please.
Cath: wala na Ryan.  Patawarin mo ako. Malaya ka na.
(Di na napigilan ni Ryan at tumulo na ang luha nya, inabot nya ang flowers na binili nya kay Cath at sandaling tumingin sya sa mata ni Cath na lumuluha na sa oras na yon at tumalikod na sya at umalis.)

June 2018
Nag simula na ang trabaho ni Ryan sa La Salle.
Pagpasok palang ay sobrang saya na nya.
Pag dating nya sa faculty of education, mejo maulan nung araw na yon kaya ang sahig ay medyo basa. Nadulas sya, may isang teacher na tumulong sa kanya at tinanong sya ng "sir, may masakit ba? Halika dadalin kita sa clinic, ano nararamdaman mo, san masakit?" Kaya sinagot nya naman ng "nako hindi okay lang, salamat pasensya na naabala pa kita sir"

Teacher: wala yun, sigurado ka sir okay ka lang? (Tumingin sya sa name patch ni Ryan, para malaman nya ang pangalan nito)
Ryan: Yes sir dont worry, anyways I'm....
Teacher: Nako, late na ko tumunog na ang bell, sige Sir Ryan! Ingat ka next time. See you soon. (Tumakbo na sya)
Ryan: Teka sir! Sir! (Napaisip si Ryan kung pano nalaman ng lalaking teacher ang pangalan nya)

(Go to Part 2)

Can't Say I Love YouWhere stories live. Discover now