Hi ako nga pala si Angela, 19 years old .Di ganong kagandahan pero pinipilahan totoo yon ah pwera biro . Mabait ako sabi ko , jolly daw sabi ng mga kaibigan ko , babae ako pero tanga kong mag make up , paglilipstick lang nahihirapan ako grabee so tanga lang diba ? Nag aaral din ako ,college na ko taking up Bachelor of Secondary Education major in Math.
May mga kapatid ako 3 si Kuya Angelo , ate Angeline at si Ate Angelou. Bunso ako sa magkakapatid. At madami na kong karanasan sa buhay mapaloob at labas ng bahay namin. Simula nung nawala si Papa at iwan kami sa di ko alam na dahilan dun na din yung simula ng kalbaryo ng buhay ko. Lagi lang akong nakangiti pero unti unti na kong pinapatay ng sakit , unti unti na kong nilalamon ng kalungkutan .
Napapagod na kong mabuhay sa totoo lang , hirap na hirap na ko , puro kasi mali ko yung nakikita nila .Puro ako yung sinisisi nila . Minsan nga hiniling ko na lang na sana di na lang ako nabuhay , di na lang ako isinilang sa mundo , sana iba na lang naging magulang ko.
Masakit sobrang sakit minsan nga pinapalayas na ko e , sinasabunutan , sinasampal, minumura . parang di niya ko anak parang di nila ko kapamilya.
Yung baon ko ,ako yung naghahanap , pag wala edi sorry , may gusto man akong bilin di ko magawa . Awang awa ako sa sarili ko sa buhay ko , sa kung anong meron ako , naiinggit ako sa iba naiinget ako sa tuwing nakakakita ko ng masaya at buong pamilya , na iingget ako pag yung gusto kong bagay meron sila ako wala.
Mag aala singko na naman uuwi nanaman sya galing sa trabaho
Ireready ko na yung tenga ko sa talak ng bibig nya na tanging puro mali ko nanaman ang nakikita , ni hindi nya man lang napansin yung mga nilinis ko, yung aparador yung lalagyan ng tv at yung mesa at sahig namin pero okay lang yon sanay na ko.
Kahit sila ate't kuya tamang higa lang sa kanilang mga kwarto , ni hindi man lang madungisan ng alikabok yung mga kamay nila. Okay lang din yon sakin kasi kapatid ko naman sila
Pero isang araw wala silang lahat kami lang ni kuya ang nasa bahay . Pinagsamantalahan nya ko , ginawa nya kong parang bayaran sa mga bar . Iyak ako ng iyak non pero pag dating ni mama sinabunutan nya pa ko sabay sabing kaarte arte mong bata ka ni hindi ka pa nag sasaing para sa hapunan lalo akong naiyak pero di pa pala doon natatapos yon . Dumating ang mga ate ko , may dalang mga paper bag , namili nanaman sila ng damit nila at mga sapatos , Angela ano ba naman yan yung kwarto namin bat di mo pa nalilinis sabay hampas sakin ng sintron at sipa sa aking katawan .
Pagod na ko napuno na ko.
At desidido na ko sa desisyon ko
