12 years ago
"Chandria, sweetheart tara dito" tawag ng isang maganda babae
Hagikhik namang tumakbo palapit ang isang batang babae matapos marinig ang pangalan nito
"Pooo!"
"Halika nga dito, tingnan mo't pawis na pawis kana" saad nito sa bata habang nilalagyan ng bimpo ang likod "ikaw talaga oh"
"Ang ganda po talaga ng inyong hardin" masayang saad ng bata
"Talagang mahilig ka rin sa mga bulaklak ano" masayang bati nito
"Ang gaganda po kasi ng mga tanim nyong bulaklak" ngiti nitong saad
"Masaya ka ba" Saad ng magandang babae
Isang malaking ngiti ang iginawad nito "opoo!" Ngunit kagad din naman bumusangot
"Oh bakit tila lumungkot ka bigla"
"Gusto ko---" saad ng bata
Ang inisip ng babae ay baka nagugutom na ito, dahil sa kanina pa palibot libot sa hardin
"Gusto mo ng kumain? O sya sige, tara n---" patayo na sana ang babae ng pigilan ito ng bata
"Dri may problema ba?" Puno ng pag aalalang saad nito sa bata
"Gusto ko ding magkaroon ng sariling hardin" saad ng bata habang hindi makatingin sa babae "maaari po ba yun? Pwede ko po kayang hilingin iyon kay papa?"
Napangiti naman ito sa narinig mula sa bata
"Dri halika dito" isang tapik ang iginawad nito sa katabing bangko na sinasabeng tabihan sya nito na kagad din namang umupo
"Dri tingnan mo ako" ngunit nananatili paring nakayuko ang ang bata
"Chandria baby look at me" malambing na saad nito sa bata
Nahihiya namang tumingin ang bata sa babae
"Hayy love" buntong hininga nito "kung yan ang iyong gusto, pwedeng magawan ng paraan yan, ako bahala" sabay kindat nito sa bata
"Pero...pano po si papa" malungkot nitong saad
"Wag mo ng isipin yun, sabi sayo diba...ako ang bahala" malambing nitong tugon
Hanggang sa may naisip ang babae upang hindi na maging malungkot ang bata
"Hmm..parang gusto ko tuloy mag tanim ng mga panibagong punla" mapag larong saad ng babae
YOU ARE READING
That time after I forgot (ONGOING)
Short StoryWhat would you do if bad memories keeps hunting you... Would you able to continue life... Would you still want to hold on... Choose wisely...
