"Stay!" Sabi ko.

"I'm not a dog, Megan." Humagikhik pa siya. "So what if susunod ako sa'yo? Kukunin lang naman natin 'yong cellphone-"

"Ewan ko sa'yo, Elizalde. Why are you even here? Bakit ba bobo ang Stan na iyon?" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator.

Sumunod siya at nanatiling nakapamulsa. Nanatili din ang galit kong mukha at ang paminsan minsan kong pag irap tuwing nahahagip ko ang kanyang mukha.

"Hindi ba ay nasagot ko na ang tanong mo? Nandito ako para sunduin ka. Are you pissed because I ruined your whatever with Ysmael?" aniya.

"Oo! Bwisit ka rin, e. Asan na ba iyang Coreen mo at bakit ako ang ginugulo mo ngayon?"  Umirap ako.

"Hindi ko siya ginugulo. Why are you so pissed? Naaalala ko pa noon nong masaya ka tuwing nandyan ako-"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko na siya. Fuck you, Noah Elizalde! Ngumiwi siya sa sapak ko at nag reklamo pa. "What the?"

Tumunog ang elevator kaya dumiretso na ako sa labas. Umiiling ako at padabog na dinampot ang cellphone sa tabi ng aking monitor. So much for calling me a "couple" of times when I have 37 damn missed calls! Bastard!

Bumalik ako doon sa labas. Hindi siya pinapasok ng guard kaya doon lang siya malapit sa elevator na may lounge nag hintay. Nakaupo siya at agad tumayo nang nakita ako. Nakataas ang kanyang kilay at pinapanood ng mabuti ang masungit kong mukha.

Pinindot ko ang elevator at lumayo ng bahagya sa kanya nang sa ganon ay matigilan ko ang pag amoy sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakatingin siya sa akin. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang umirap at humahalakhak siya sa ginagawa ko.

Tahimik kami at nang tumunog ulit ang elevator hudyat ng ground floor ay dumiretso na ako palabas.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan sa aking harap kahit na nasa likod ko pa siya. Binuksan ko ang pintuan ng kanyang front seat at umirap ulit. You see the darn difference between the Elizalde and Ysmael?

Sumisipol si Noah nang nasa loob na ng sasakyan at nagulat ako nang nilingon niya ako. Lumapit siya ng bahagya at kinuha ang seatbelt ko para i-lock iyon sa aking gilid.

"Kahit na masungit ka ayaw ko paring may mangyaring masama sa'yo." Sabi niya.

"Shut up, Noah! Just drive at nang makauwi na tayo!" Sabi ko.

"Tss." At pinaandar niya kaagad ang sasakyan.

Ginulo ko na lang ang airconditioning ng kanyang sasakyan nang sa ganon ay may pagkaabalahan ako. May ginulo naman siya sa stereo at ang bumungad sa aking tainga ay isang pamilyar na kanta.

“The perfect words never crossed my mind

'Cause there was nothing in there but you

I felt every ounce of me screaming out

But the sound was trapped deep in me...”

Bahagya kong nilingon ang stereo at tinikom ang nakaawang kong bibig. I don't want to initiate the conversation. At ayaw kong makinig sa kantang ito. Naalala ko lang iyong panliligaw niya sa akin at iyong rejection ko. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Ang ibalik namin ang mapait na kahapon?

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon