“Ikaw na,” tamad nitong sagot.

“Tamad!” sigaw ni Blue.

Dahil hindi mautusan ni Blue ang kapatid niya, siya na lang ang lumabas. Nang nasa baba na siya ng bahay, sa unang palapag kung sa matatagpuan ang bar, dumiretso na siya roon. Nang makakuha na siya ng bote ng alak, pumunta na siya sa kusina para kumuha ng malaking mug.

“Manang, pakisuyo po ng yelo sa freezer,” si Blue. Dumaan ang ina ni Blue, si Crezelda, sa harapan niya. “Mom,” sambit nito, pero hindi man lang siya nagawang pansinin. “Oh, Blue? Nauuhaw ka? ‘Wag magpakalasing,” anito. Kinausap niya na lang ang sarili niya.

“Sir Blue, ito na ang yelo,” anang Manang sabay abot nito.

Tinanggap na ito ni Blue. “Salamat po.”

Naglakad na si Blue pabalik bitbit ang bucket of beer at ang yelo. Nang paakyat na siya sa hagdan, masasalamuha niya ang kanyang ama, si Zander.

“Dad,” sambit ni Blue. Pero katulad ng ina niya, dinaanan lang din siya nito at hindi rin pinansin. “Hi, Blue. Nauuhaw ka? Inom lang nang inom, pero iyong kaya lang, ha? May pasok ka pa bukas,” sabi niya sa kanyang sarili at nagpatuloy na sa paglalakad.

Dumating na siya sa kanilang kuwarto ni Red. Pinili niya ang sariling ngumiti sa harapan ng kambal niya.

“Pula, sa terrace tayo,” pag-aya niya. Ipinakita niya ang dala niya. “Tara na.”

“Ikaw na lang muna, Asul. Maaga pa ako gigising bukas. Matutulog na ako.”

“Ikaw na nga lang ang kakampi ko sa bahay na ito, tatanggihan mo pa ako. Sige, matulog ka na. Mabait ka naman na anak,” anito. May pagtatampo sa boses nito.

“Psst,” sambit ni Red.

“Psst mo mukha mo!” inis na sabi nito.

Pumunta na si Blue sa kanilang terrace at umiinom mag-isa. Ininom niya ang beer na punong-puno ng yelo sa mug.

“Cheers, self. Fighting!” anito. Dumating si Red at tinabihan ang kambal niya. “Alis na! Matutulog ka na, 'di ba?”

“Nagtatampo ka ba?” pag-aalala ni Red.

“Nagtatampo mo mukha mo. Alis na! Baka pagalitan pa ako dahil pinilit kita.” Lumagok muli ito. “Cheers, self.”

“Asul, may problema ka ba? Hindi ito tungkol sa pagtanggi ko, 'di ba?”

“Umalis ka na nga!” sigaw ni Blue.

“Ano bang nangyari sa iyo!” sigaw ni Red. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi pagtaasan ng boses ang kambal niya.

“Sisigawan pa sana kita, pero baka marinig tayo nila Mom. Tapos kung marinig nila, papasok sila rito sa kuwarto at pagagalitan na naman ako. Tatapunan nang masasakit na salita at wala akong magagawa kung hindi saluhin na naman iyon. Wala kang kuwentang anak, iba ka sa kambal mo, bakit hindi ka na lang gumaya sa kambal mo, pinalaki ka naman namin nang mabuti.”

“Asul," sambit ni Red. Maririnig mo sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

“Asul mo mukha mo, alis na. Ayaw mong uminom, 'di ba? Sinabi mo 'yon. Gusto ko lang naman uminom, e. Gusto ko lang ng kausap. Kahit makulit ako, gago, siraulo. Nasasaktan din naman ako.” Kumuyom ang kamay nito.

“Asul, bakit ka nagkakaganyan?” pag-aalala ni Red.

“Asul mo mukha mo!”

“Umayos ka nga!” sigaw ni Red. Nagsimula na naman itong mainis sa kambal niya.

Tumayo na si Blue sa kinauupuan niya at tiningnan si Red. “Umalis ka na! Bakit ang tigas ng ulo mo!?”

“Sa palagay mo? Makakatulog ako kung nagkakaganyan ka?”

FATED TO F*CK YOU✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang