"Ang galing mo!" puri ko kay Gio.

He smiled. "Lalo akong gumagaling kapag chincecheer mo ako. Naiinggit nga ang mga teammates ko sa tuwing nagchicheer ka para sa pangalan ko. Sorry na lang sila dahil girlfriend na kita."

Umakbay pa sa akin si Gio.

Sa labas na lang ako ng HQ nila naghintay sa kanya.

"Zira."

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita kong si Dustin ito.

"Dustin?"

He smiled. "Me and Penelope already broke up. I still can't believe na sinira ko kung anong meron tayo."

"Dust, you and I were over."

"I really like how you called me in my shorter name, Zira."

I took a sigh. "I gotta go."

Sabi ko at tinalikuran na si  Dustin. Ayokong maabutan pa kami ni Gio dahil kahit na wala na para sa akin si Dustin ay iisipin pa rin ng mga tao sa paligid ang pinakamalisyosong isipin because Dustin was my ex-boyfriend.

Mas maganda na lang umiwas. Tinext ko na rin si Gio na nauna na ako sa may parking lot.

Paano kaya kung kami pa rin ni Dustin? Siguro ay hindi magiging ganito kagulo ang isip ko. Hind ako mapapalapit ng husto sa grupo nila Troye, hindi kami magkakaroon ng pagkakataon ni Troye na magbreakfast na kaming dalawa, hindi ako makakasakay sa motor niya. Pero masaya ako na nangyari ang lahat ng iyon.

"Nainip ka ba sa pag-aantay kaya nauna ka na rito?" nag-aalalang tanong ni Gio.

Umiling ako. "Hindi naman. Naisip ko lang maglakad lakad muna."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Gutom ka?" he asked.

"Nope. Kumain kami nila Queen."

Hinatid na ako nang derecho ni Gio sa bahay. Gusto pa sana niya na mamasyal kami kaya lang ay pinilit ko siya na wag na muna. He's tired at isa pa maaga ang game nila bukas.

"Hi Ma, Pa."

Humalik ako sa kanila.

"How's your game?" excited na tanong ni Mama.

I smiled. "Panalo po and here."

Lumawak ang ngiti nila nang ipakita ko ang certificate kung saan ako ang player of the game.

"You never fails to make us proud, hija," sabi ni Papa.

Nalungkot naman ako na sa isang araw ay babalik na pala sa kampo si Papa tapos ay mukhang sa malayo siya madedestino.

"Zira."

Nilingon ko ang kapapasok lang na si Papa rito sa kwarto ko.

"Bakit po?"

Umupo siya sa tabi ko. "Malungkot ang mama mo."

"Kahit naman ako, Pa. Ilang buwan nanaman bago ka ulit makakauwi."

Hinaplos niya ang buhok ko. "Maswerte ako at naiintindihan niyo ng kuya mo ang trabahong meron ako. You know how risky my work is, 'di ba?"

Ngumuso naman ako. "Papa naman! Ayan ka nanaman. Naniniwala ako na makakabalik ka."

"Anak, aalagaan niyo ang mama mo, ha. Mahal na mahal ko iyon at pati kayo."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now