"Ang Pangitain ni Landon"

343 13 0
                                    

Alas dos y medya na ng hapon. At badtrip na si Betty. Paano kasi ay overtime na si Binibining Leticia sa kaniyang pagtuturo. Ibig sabihin nun, male-late na naman si Betty sa susunod niyang klase. At talagang badtrip dahil kung boring magturo si Binibining Letty, diktador naman magturo si Sir Reyes.

            “Kainis, maa-absent na ko sa Psych 115 nito eh. Pwede kasing ituro ‘yan next week, bakit ba kailangang pagkasyan ngayon.” inis na bulong ni Betty sa kaniyang sarili.

            Limang minuto pa ang lumipas bago nagpasyang i-dismissed ni Binibining Leticia ang kanilang klase. Sa sobrang asar ni Betty, hindi na siya ng nagpaalam pa sa kaniyang guro at tuloy-tuloy nang lumabas ng klase. Pagdating sa Psych room ay tahimik ang lahat.

            “Miss Rivera, it is kind of you to join us.” sarkastiskong bati ni Sir Reyes.

            Mangiyak-ngiyak na nagsimulang nag-explain si Betty. “Sir, sorry po. Di ko sinasadyang ma-late. Nag-overtime po kasi ‘yung una kong klase.”

            Hinampas ni Sir Reyes ang kaniyang kamay sa blackboard. Ngumiwi ito pero pinigil niyang ipakita ang sakit na nararamdaman. “Wala akong pakialam kung mag-overtime ang lahat ng klase mo, Miss Rivera. Wala rin akong pakialam kung bumagyo man, lumindol o mag-giyera sa dadaanan mo. Two o’clock ang klase mo sa akin at hindi two forty five!”

            Yumuko na lamang si Betty sa hiya at sa takot na ibagsak siya ng bading na guro.

            “Sana nagkakaintindihan na tayo, Miss Rivera. It is your primary right to cut in ‘pag alam mo nang overtime na ang iyong mga teacher. I try to teach you all the things you need to know in three hours a week dahil ‘yun lang ang schedule n’yo sa akin. Pasalamat ka dahil naging estudyante ko ang parents mo. Pero may hangganan din ako. ‘Yan ang ‘wag mong uubusin. Sit down and take your exam.”

            “Opo, sir. Hindi na po mauulit.”nanginginig na sagot ng dalaga.

***

            Tumunog ang bell at dinismissed na ni Sir Reyes ang klase. Nag-unahan sa paglabas ng classroom ang mga estudyante. Nang sila ay nasa safety distance na mula sa kanilang terror professor, agad na pinuntahan nina Ethan at Charlene si Betty.

            “Naku, Betty. Nakakatakot kanina si monster. Akala naming kakainin ka na niya.” sabi ni Charlene.

            “Grabe talaga. Akala ko nga aatakehin na ako sa puso kanina sa nerbyos.” tugon ni Betty.

            “Bakit ba na-late ka?” tanong ni Ethan.

            “Kailangan pa bang i-memorize ‘yan, boredom na ang beauty ko kanina kay Miss Letty tapos natunaw pa yata lahat ng make-up ko kay Reyes.” Sagot ni Betty. “Kung pwede nga lang sanang magpalit ako ng klase, ginawa ko na. I really hate Thursdays. Pangit ang schedule ko. Pangit pa professors ko.”

            “Alam ko na Betty, bakit di ka na lang sumama sa field trip? Para naman makapagbakasyon ka kahit one week lang. Charity case pa ‘yun kaya pahinga ka na sa klase, nakatulong ka pa.” suwestyon ni Ethan.

            “Anong field trip?”

            “Mass comm ka ba? Ikaw lang yata ang hindi nakakaalam eh.”

            “Alam mo, Charlene. Kung alam ko, magtatanong ba ako. Alam n’yo namang di na ako nakaka-attend ng mga activities at meetings natin. Bahay, school at trabaho na nga lang ang buhay ko ngayon.”

"Ang Pangitain ni Landon"Where stories live. Discover now