Part 7

1.2K 40 1
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

fb: Michael Juha Full

------------------------------------

At wala na akong nagawa. Niyakap ko na rin siya at hinalikan ang kanyang pisngi. "S-sige..." ang sagot ko na lang. Bagamat At least, sa isip ko lang, ay talagang babalik siya kasi nasa akin ang pinakaiingat-ingatang heirloom ng kanilang pamilya.

Sobrang sakit ang naramdaman ko sa paghihiwalay naming iyon ni Miguel. At habang hindi pa lumipad ang eroplanong sinakyan niya, nakaantabay lang ako sa labas ng airport. Text naman siya nang text sa akin, sinabihan akong pumunta na ng terminal kasi sasakay pa ako ng bus at may dalawang oras pang biyahe upang makarating sa aming bahay. Ngunit nagpumilit ako. "Gusto kong mauna kang umalis..." ang text ko sa kanya.

Noong sa tuluyan nang lumipad ang eroplano niya, kumaway pa ako, bagamat alam kong hindi niya ako nakikita. Hindi ko namalayan, tumulo na ang aking luha. "Mamiss kita... Hindi mo lang alam, mahal kita" ang bulong ko sa sarili.

Sa paghiwalay namin ni Miguel doon ko narealize ang hirap. Parang muli akong nag-iisa sa mundo. At lalo na, lihim ko siyang inibig.

Iyon ang simulang nalaman ko na may kakaiba na sa pagkatao ko, sa kakaibang naramdaman ko kay Miguel.

Ngunit pilit ko rin kasi itong itinatago sa kadahilanang ayaw kong magalit muli siya sa akin. Pangit na nga ako, tapos bakla pa at in love sa kanya. Ayaw kong pandirihan niya ako. Masaya na ako na naging kaibigan ko siya. Kuntento na ako. Alam ko naman din kasing lalaki si Miguel. Naalala ko, nagtatanong siya sa akin kung may crush ba raw ako sa school at ang sagot ko ay wala bagamat syempre, mayroon at siya iyon. Ngunit lihim lang. Noong ayaw niyang maniwala at kinukulit niya ako, nagbanggit na lang ako ng kaklase naming may hitsura bagamat hindi ko naman talaga crush iyon. At simula noon, palagi na niya akong binibiro kapag nakikita namin ang babaeng iyon o di kaya ay nakakasabay sa recess o makasalubong. Ngingiti-ngiti lang ang babae kapag ganoong tinitignan namin siya. Akala niya, si Miguel ang nagkainteres sa kanya.

Noong si Miguel naman ang tinanong ko kung may crush siya, sagot naman niya sa akin ay marami. Marami kasing magaganda sa school namin at minsan ay binabanggit pa niya sa akin na maganda si ganire, sexy si ganito. Alam ko na...

"Miguel, sasama ba ako kay Mateo sa farm nila?" ang text ko kay Miguel. Kahit malayo na kasi kami sa isa't-isa, palagi pa rin kaming nagti-text. Binigyan kaya niya ako ng selpon at load. Kaya hinid maaaring hindi kami magtitext. At siya ang hinihingian ko palagi ng payo. At kapag may ganoong may lakad ako, nagpapaalam ako sa kanya. Nagtatampo kasi siya kapag may pinuntahan ako tapos huli na niyang malaman. Parang magkasintahan lang ang peg namin.

"May choice ba ako?" sagot niyang pabalang. Natext ko na kasi sa kanya na killer ang ngiti ni Mateo na tinaguriang campus killer.

Tila binatukan naman ako sa sagot niyang iyon. Tama nga naman. Wala siyang choice kasi, type ko talagang sumama kay Mateo. Suwerte ko nga eh, inimbita ako.

Sasagutin ko na sana ang text niya na wala siyang choice kasi crush ko si Mateo. Parang pagselosin ko na rin siya. Ngunit nagtext siya uli. "Gaano ba ka guwapo ang tarantadong Mateo na iyan? Mas guwapo pa ba iyan kaysa sa akin?"

Napangiti naman ako sa kanyang text. Para kasing may something. "Ah, may ganyan talagang tanong? Syempre mas guwapo ka. Bagay kayo, pareho kayong guwapo." ang sagot ko naman.

"Ito naman o... Tayo ang bagay. Guwapo ka rin kaya."

"Loko-loko!" ang sagot ko.

"Bakit? Guwapo ka naman talaga eh!"

SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon