Chapter 9

10 1 0
                                    

Sick

Matapos ang huling pag-uusap namin ni Lysander, madalas na kaming magkita. O mas madaling sabihing... madalas na ang pagpunta ko sa building nila.

Nahirapan pa akong magsabi kay Marcus nang dahilan kung bakit hindi na ako makakasabay sa kaniya tuwing lunch. Sinabi ko na lang na sumasabay ako kila Kierra na sa labas kumakain.

Medyo nagtampo pa siya nang sabihin ko iyon dahil nasanay na raw siyang kami lagi ang sabay. Sinabi kong puro babae kami kaya pumayag na siya kalaunan. Balik na siya ulit sa barkada niya at doon na sumasabay.

Nagi-guilty ako sa pagsisinungaling. Hindi ko naman masabi ang totoo dahil baka makarating kay daddy. Ayaw kong malaman ni dad ang tungkol kay Lysander, baka kung anong gawin niya.

Dinadalhan ko si Lysander ng pagkain tuwing lunch break at sabay kaming kumakain sa bench malapit sa building nila.

Noong una ay ayaw pa niya. Umiiral ang pride siguro ngunit mapilit ako.

Pangalawang beses kong punta roon nang magkaroon kami ng pagtatalo.

"Bakit ba ayaw mo? Mas gusto mo sigurong ibang babae ang magdala sayo ng pagkain?" nakataas ang kilay kong paratang ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. "Ano? Saan naman iyan nanggaling?"

"Narinig kong may mga babaeng nagdadala sayo ng pagkain tuwing lunch!" I scowled and rolled my eyes.

Umigting ang panga niya at seryoso akong tinitigan. "Hindi ko naman tinatanggap."

Laglag ang panga nang lumingon ako sa kaniya.

Ibig sabihin ay inaamin nga niya na totoo iyon? Paano ako makakasigurong nagsasabi siya ng totoo?

"Talaga ba? Bakit hindi mo tinatanggap? Sayang din iyon! Tipid!" Nakataas ang isa kong kilay.

Lalong sumama ang tingin niya sakin. "Charmaine! Hindi ako mayaman pero kaya ko namang bumili ng sarili kong pagkain." Nababakas ang hinanakit sa tono niya bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.

Now I felt guilty. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong iparating.

I sighed. "I know... I'm sorry. I didn't mean it that way." malumanay kong sabi habang sinusuyo ng mata ko mukha niya.

I saw him licked his lower lip before he sigh and looked back at me. "Sa labas kami madalas kumain ng mga kaibigan ko dahil may murang karinderya doon. Hindi ako basta-bastang tumatanggap ng pagkain mula sa hindi ko kilala." mariin niyang paliwanag.

Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig. Kung ganoon, bakit niya tinanggap ang pagkaing bigay ko noon sa kaniya?

Bago ko pa iyon maitanong kay Lysander ay agad siyang tumayo at mabilis na niligpit ang mga pinagkainan namin dito sa bench.

Napanguso ako. Nabadtrip ko pa ata. Kasalanan ko na naman?

Is it really me or is it just his mood?

Niligpit ko na rin ang gamit ko upang gumayak paalis. Matapos gawin ay tumayo na ako.

Nilingon ko si Lysander na naglalakad na ulit pabalik sa pwesto ko galing sa pagtatapon niya ng pinagkainan namin.

"Balik na ako sa room, Lysander."

Nagtagal ang titig niya sa akin bago pumikit ng mariin. Nang magmulat ay diretso sa mata ko ang tingin niya.

"Huwag ka nang magdala ng pagkain dito sa mga susunod na araw."

Para akong sinampal ng mga salita niya. It seems to me that he's rejecting me.

Susumbatan ko na sana siya ngunit hindi ko na naibuka ang bibig ko sa sunod niyang sinabi. "Ako na ang bahala. Magbabaon ako ng pagkain na kasya para sa ating dalawa."

The Law of Total MadnessWhere stories live. Discover now