"N-nandyan ba siya?"

Tumango ito. "May kailangan ka ba kay Sir? Nako. Baka masigawan ka, ang nakakapasok lang sa opisina niya ngayon ay dapat may makuha munang tawag galing sa kanya," wika nito na sumulyap pa sandali sa opisina ni Liam.

Tipid siyang ngumiti kay Alexa. "Papasok ako Alexa, kakausapin ko lang siya. May k-kasalanan naman ako hindi na ako n-nagpakita sa kanya."

Huminga ito ng malalim. "Ikaw ang bahala, basta sinabihan kita."

"May bago ba siyang secretary?"

Umiling ito. "Ikaw lang naman ang naging secretary ni Sir Liam, kaya nga noong na-hired ka dito sa W.I laking gulat namin na sa loob ka ng opisina ni Sir naka-table, akala namin makakasama ka namin dito at makakasabay kumain pero hindi nangyari. Hindi ka naman ata kasi pinalalabas ni Sir depende kung importante." anito.

Minsan na rin nabanggit ng mga kaibigan ni Liam na siya lamang ang tangi o unang secretary ng binata. Ipinagsawalang bahala lamang niya iyon kahit naging pala isipan sa kanya.

Sa huli ay naisip niyang nakita ng binata sa kanya na kailangan niya talaga ng trabaho kaya kahit hindi ito kumukuha ng secretary ay hinired na lamang siya lalo pa at si Leila ang nagrekomenda sa kanya.

"Sigurado ka na ba talaga Emily?" muling paalala sa kanya ni Alexa. "Si Michael ang walang-hiyang iyon nakulong siya Emily, may ilang empleyado din pala siya dito sa W.I na ginagawan ng karahasan. Mabuti na lang at nagsumbong din sila kay Sir Liam at mas bumigat ang kaso sa kanya." dugtong pa nito.

Hindi siya sumagot at umiwas ng tingin sa kausap, para sa kanya ay kinalimutan na niya ang nangyaring iyon at salamat sa diyos dahil kahit paano'y hindi na siya matatakot pa na mabalikan ng nagtangka sa kanya dahil humihimas na ito ngayon ng rehas.

"Baka mamaya lumabas ka rin ng opisina ni Sir Liam na umiiyak," nagaalala pang turan ni Alexa.

Kinakabahan man siya ngayon ay hindi siya maaaring umatras. Hinanda naman niya ang sarili sa posibilidad na mangyari at kung pagalitan o masigawan nga siya nito ay bahala na ngang talaga.

Iniwan na siya ni Alexa at nagpaalam sa kanya na babalik na ito sa pagtatrabaho, may ilang empleyado naman na nakatingin sa kanya dahil dere-deretso siyang naglakad palapit sa pinto ng opisina ni Liam na nakasara.

Huminga muna siya ng malalim bago naisipan na buksan ang frosted glass door ng opisina nito. Nang makapasok sa loob ay bulto agad ng binata ang nabungaran niya, nakatalikod ito ng tayo at nakatanaw sa salamin na bintana ng opisina nito. Nakadikit ang cellphone nito sa kanang tainga at may kausap.

Nanatili siyang nakatayo. Malayo sa binata, hindi siya nagtangka na lapitan ito. Hindi rin siya gumawa ng anumang ingay dahil baka pagsisihan niya, hihintayin nalamang niya na malingunan siya nito at doon lamang niya ihahanda ang sarili sakali na init ng ulo nito ang sumalubong sa kanya.

"Okay then," huling wika nito sa kausap sa kabilang linya.

Narinig pa niya ang mahina nitong pagmumura marahil ay problema ang tawag na natanggap ng binata. Nang lumingon ito at ibulsa ang cellphone ay hindi pa napansin ang kanyang presensiya dahil nasa office table nito ang mga mata at tila may hinahanap na kung anong folder files doon.

"S-Sir..."

Umangat ang ulo ni Liam at napatingin sa gawi niya dahil sa boses na narinig nito mula sa kanya. Kunot ang noo nito na pinakatitigan siya, naningkit pa ang mga mata nito na tila sinisigurado kung tama nga ba ito sa narinig kanina at sa ngayon na nakikita.

"S-Sir Liam," pag-ulit niya.

Doon tila natauhan ang binata, madilim ang mukhang umiwas ito ng tingin sa kanya at sa hinahanap na folder files muli nito binaling ang atensyon.

✔#1 Claimed by William FontalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon