Iyong Paglisan

10 1 1
                                    

Aaminin kong ako'y nasasaktan
Habang nakatingin sa magandang buwan
Mga luha ko'y nag uunahan
Dahil sa sakit na nararamdaman.

Iniisip kung saan ba ako nagkulang
Gayong pagmamahal ko naman ay sayo lang inilaan
Paulit ulit nag lalaro sa'king  isipan
Mga salita mong binitawan.

Mga salitang hindi ko napaghandaan
Sapagka't tayo ay masaya pang nag kukwentuhan
Minsan pa nga'y nag kukulitan
Ngunit sa isang iglap naglaho ang saya nating pinagsasaluhan.

Hindi ko din inaasahan
Ang mag hiwalay tayo ng biglaan
Hindi ko matanggap ang kapalaran
Dahil mahal kita ng lubusan.

Ikaw ang tanging dahilan
Kung bakit puso ko'y nabuo at nasiyahan
Sa mga buwan na tayo ay mag kasintahan
Tuwa ko'y walang mapaglagyan.

Hindi ko lubos maintindihan
Kung ikaw ba ay akin pang ipaglalaban
O ikaw ay tuluyan ng hahayaan
Kahit nais kong tayo ay mag kabalikan.

Hindi ko alam paano ko sisimulan
Buoin ang puso kong sugatan
Sugatan mula ng ako'y iyong iwanan
At sa iba'y nahanap ang aking pagkukulang.

🖋acrux

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula ni ACRUX Where stories live. Discover now