PANGARAP

30 2 2
                                    

Isang babae ang lagi kong nakikita
Sa panaginip ko'y nangangamusta
Hindi ko ma anininag kanyang itsura
Sapagkat malabo ang imahe nya.

Lagi siyang kumakanta
Ng musika na napakaganda
Dahil boses niya'y nakakahalina
Nasa akin ay nag papasaya.

Mukhang ako'y nahuhulog na sakanya
Puso ko'y nakakaeamdam ng kakaiba
Sa babae hindi ko naman kilala
Na tanging sa panaginip ko lang nakita

Kaya sapag pikit ng aking mga mata
Inaasahan na sya ay aking makilala
hinihiling na mahawakan ko sya
At Pinangarap na sya'y aking makasama...

Mga Tula ni ACRUX Where stories live. Discover now