Chapter 3

112 4 1
                                    

Elise's POV

Its Friday afternoon at wala na kaming pasok ng hapon kaya naisip namin na pumunta muna sa park, well ang ganda naman talaga ng Gavino Solidum Park, maganda ang spot kahit saan pwede mag picture taking, at magaganda pa ang mga landscaping. Umupo kami sa isang bench doon then kumain ng chicheryang binili namin sa malapit na tindahan. Tawanan kami ng tawanan doon na parang timang dahil sa mga jokes ni Dave buti nalang at may sense of humor ang lalaking to kung wala ewan ko lang ang tahimik na naman siguro ang  araw ngayon. Sa hindi kalayuan ay may nakita kaming mga bata na naglalaro ng sipa, nagkatinginan kaming tatlo and an evil grin formed in our faces.

"Nakikita nyo ba ang nakikita ko" sarkastikong tanong samin ni Rose.

"Yes ofcourse and also I can read what is on your mind" sagot ko sa kanya.

"Oh ayan na naman kayo uutuin nyo na naman ang mga bata" Suway samin ni Dave. Tumayo naman si Keanna sa harapan namin at dinuro si Dave.

"Alam mo ikaw talga! napaka KJ mo! edi kung ayaw mo edi wag tara na nga!" Hinila kami ni Keanna patayo at naglakad kami palapit sa mga bata.

Hinamon sila ni Rose and good thing pumayag sila pero may consiquences kung may gustong sumali magiging kagrupo nila hanggang umabot na sila ng 20 laban samin tatlo, at para fair sila naman ngayon ang taya.

Nagtagal ang laro at inabutan na kami ng 4:30 pm ramdam namin ang pagod dahil noong magumpisa ang laro walang nagpatalo samin ibig sabihin hindi kami nakaranasa ng pagiging taya. Natawa naman kami sa mga facial expression ng mga bata, may napipikon may nagmamakaawang pagbigyan namin pero matigas din itong si Rose. This time hindi namin nagawang ipalipad ni Rose ang sipa lampas sa ulo namin kaya si Larra ngayon ang magsi-save samin. Pero kahit si Larra pagod na rin.

"Murats, kung wiz ko magetching alert to run the show " sabi ni Larra habang hinihingal pa. Buti nalang at walang alam itong mga bata na to sa gay language at salamat din kay Shelwin Tayco dahil tinuruan nya kaming magsalita ng lengwahe nila.

AN: Di mo maintindihan? ito ang translation.

("Girls kung hindi ko ito magawa, kumaripas na tayo ng takbo" Oh gets nyo na?)

At hindi nga nakuhang isave kami ni Larra, kaya nagbunyi ang mga bata aayaw na sana kami dahil pagod na pagod na kami pero gusto pa rin nilang maglaro sino ba naman hindi gaganahan mag laro after ten years ngayon lang sila makakapagsipa.

Dahil sa pagiging dakilang makulit naming tatlo ay agad naman kaming tumakbo, para kaming mga dagang nagsisitakbuhan paikot sa park, si Dave din ay parang nakapagtago agad dahil nawala siya sa aking paningin. Nang makatingin ako sa likod ko kinabahan ako dahil wala na sina Larra at Rose, gosh hindi talaga ako sinama sa pagtatago unfair! tuloy lang ako sa pagtakbo at parang disidido talaga ang mga batang to na mahuli kami grave may mga hawak na silang mga kahoy malalaking bato at kung ano pa mukhang seryoso talaga silang saktan kami dahil sa kapilyahan namin, mabuti nalang ay medyo madilim na. Nakakita ako ng malaking puno na pwedeng pagtaguan, agad akong pumunta doon at nagtago sinilip ko ang mga bata at papalapit na sila kaya dahan dahan akong napaatras. Nang bigla nalang may nabanggaan ang likod ko, patay huli na ako dahandahan kong nilingon kung sino ang taong nabangaan ko at hindi na ako nakapagfocus kung sino talaga ang taong yun at sumigaw na agad ako.

"AAAAHHHHHHHHHH---" Bigla naman nyang tinakpan ang bibig ko, pagdilat ko nakita ko si Dave habang nagsa-sign ng silent. Tinagal ko ang kamay niya at tsaka inirapan siya.

"Ano ka ba ako ang nauna dito kaya umalis ka" pagsuway ko sa kanya. Nabigla nalang ako nang bigla nalang nya akong sinandal sa puno at nilapit ang mukha nya sa tenga ko at unti-unti nyang tinatakpan ng braso niya ang mukha ko. I can feel his breath in my neck at nararamdaman kong nanginginig ako, hindi dahil sa kinakabahan ako sa mga bata kundi dahil any move i make siguradong mahahalikan ako ni Dave.

LOVE more than DOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon