2: DREAM (horror)

0 0 0
                                    

Flora's pov.

"nak?" lumingon naman ako sakanya at ngumiti "bakit po?"

"aalis ako, kayo ng kapatid mo ang maiiwan sa bahay. Tulog siya kaya wag ka nalang maingay" sabi nito saka umalis.

Sinara ko naman yung kwarto at binuksan ang isang kwarto kung saan natutulog ang kapatid ko. Bumaba ako patungo sa sala para manood sa tv namin.

Minutes passed, may ilang kalabog akong naririnig mula sa taas. Pinasawalang bahala ko nalang yun dahil wala naman tao don bukod sa kapatid ko, tulog pa siya.

Habang aliw na aliw naman akong nanonood sa tv ay biglang nawalan ng signal ang screen. Lumapit ako dito at hinampas ito sa taas, pinukpok ko ito ng ilang beses. Bumabalik siya sa dating palabas na kanina ay pinapanood ko, pero nung isang beses ko pa siya hinampas ay bigla itong nagiba ng channel.

Lumayo ako sa tv ng makita ko ang nangyari sa dito. Isa itong bahay, at may isang lalaking nakatalikod malayo doon..

Tumaas ang mga balahibo ko at tila lumamig ang simoy ng hangin, bumilis ang tibok ng puso ko at wala ng kong ibang maramdaman kundi takot.

Nang lumingon ulit ako sa tv ay nakaharap na yung lalaki kaya lalo akong napalayo, wala na kong ibang nagawa kundi ang panoorin siyang lumapit ng lumapit sa screen.

Habang papalapit naman ito ng papalapit ay biglang lumalakas yung sound effect nito dahilan para lalo akong matakot..

Humarap ito sa mismong screen atsaka matagal na nakipagtitigan. Segundo ang lumipas ay biglang may babaeng sumigaw mula sa tv dahilan para mapasigaw ako sa takot..

Narinig ko namang umiyak ang kapatid ko sa taas kaya umakyat na ko bigla.. Pero hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa kwarto nito ay bigla itong nagsara. "f-fvck no!!!" pinilit kong buksan ang pinto at kinalabog ito ng kinalabog.

Hanggang sa may marinig akong tawa ng isang lalaki sa loob ng kwarto nito.. Nagsitaasan ang mga balahibo ko, sa sobrang takot ay umiyak na din ako..

Minuto na ang lumipas at patuloy parin sa pagtawa ang lalaki sa loob ng kwarto ng kapatid ko, ngunit may isang bagay na pumukaw ng atensyon ko..

Isang bola ang gumulong palabas mula sa kwarto ko.. At may dugo ito..

Habang nakatingin naman ako sa bolang yun sa sahig ay nakita ko naman ang isang anino na galing rin sa loob ng kwarto ko.. Anino ng isang taong papalapit na saakin, papalaki ng papalaki ang anino nito kaya napaatras naman ako..

Nagsimula ulit lumamig ang paligid ko at makarinig ng ibat ibang tunog nagmumula din dito.. Tunog ng isang demonyo, Batang umiiyak, babaeng tumatawa..

Nakaramdam ako ng awa at takot.. Kaya hindi ko na napigilan ang pagiyak..

Minutes passed ay sinubukan ko ulit buksan ang kwarto ng kapatid ko at nagtagumpay naman ako dito.. Pero ang nakakapagtaka ay wala sa loob ng kwartong ito ang kapatid ko..

Bigla namang malakas na nagsara yung pintuan ng kapatid ko at nalock ako sa loob. Umiyak ako ng umiyak doon..

Nag patay sindi ang mga ilaw at lalong lumakas ang hangin..

Mula naman sa ilalim ng kama ay may dugong tumalsik sa ilalim nito..

Kinikilabutan ako pero buong tapang ko itong hinarap. Lumuhod ako at sinilip ang ilalim ng kama nito..
At doon ko nakita ang ulo ng kapatid ko na punong puno ng dugo..

Isang malakas na tinig naman ang gumising sakin. Tumayo ako sa kama ko atsaka sinuri isa isa ang napanaginipan atsaka umiyak..

Wala akong kapatid, at patay na si mama..

SHORT STORIES COMPILATIONNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ