Natulala ako sa pagkahindik ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nasa sahig si Mama habang naliligo siya sa kanyang sariling dugo, at sa kaliwang kamay niya ay naroon ang isang baril. At may mga pulis na tumitingin sa kanya sa loob.


Ang dilat na mga mata ni Mama ay nakabaling sa gawi ko. Duguan siya kaya alam kong wala na siya, at ang tanawin na nakikita ko ay binabasag ang katauhan ko.


Napadilat ako bigla. "Mama!"


Bangungot!


Nagbalik na naman sa akin ang pagpapakamatay ni Mama. Nagpakamatay siya. Hindi siya pinatay at—


Sinubukan kong kumilos pero hindi ako makagalaw. Kaya pala, nakatali ang mga aking mga kamay at paa sa upuang nasa likuran ko. Nasaan ako? Bakit ako nakatali? Inilingap ko ang aking paningin sa malawak at bakanteng kuwarto na kinaroroonan ko. Nag-iisa lang ang pinto nito at nasa bandang harapan ko iyon.


Natigilan ako nang maalala ang nangyari. Dumating si Valentina at walang alam si Calder na kinidnap ako! "Calder!"


Nagsisisigaw ako. Siguradong mahahanap ako ni Calder. Ililigtas niya ako.


"Tulong! Tulong! Calder!"


Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Valentina Soza Hynarez. Nakangiti siya sa akin.


"Hi, sweet Fran. So glad that you're awake now." Malamyos ang boses niya. She's wearing a red Prada dress and a red pair of stilettos. She's also wearing a red lipstick.


"What is this, Val?" gigil na sita ko sa kanya.


"Ito? Uhm, nothing. Wala na kasi akong maisip na paraan para mapigilan ka sa kalandian mo." Ang mga mata niya ay biglang tumalim.


Sinubukan kong kumalma. "Hindi mo ba alam na sa ginagawa mong ito ay pwede kang makulong?"


"Bago ko pa gawin 'to, inisip ko na lahat ng pwedeng mangyari." Ngumiti siya muli. "Katulad ng mawawala ka na sa landas ko at masosolo ko na si Jackson."


Pagak akong tumawa. "Papatayin mo talaga ako?"


Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Minsan ay kailangan talagang magsakripisyo, Fran. Kung iyon na lang talaga ang paraan para talagang masigurado ko na hindi ka na hahadlang sa akin, bakit hindi ko gagawin?" Inilabas niya ang baril mula sa bitbit na hand bag.


Ang mga mata ni Valentina ay puno ng galit. Kinimkim na galit. Pero kung papatayin niya talaga ako, bakit hindi pa kanina? Bakit hindi pa kanina noong kidnapin niya ako? Bakit kailangan niya pang mag-aksaya ng panahon na itali at ikulong ako rito?


"Wala naman talaga akong balak kidnapin ka e. Ang kaso, tinangay ka ng pakialamerong bodyguard ni Jackson. Sinundan ko kayo, at habang tumatagal na magkasama kayo, nakaisip ako ng idea na tingin ko e magiging successful."

Obey HimWhere stories live. Discover now