Sumang-ayon na lang si Katleya sa sinabi nito. Nagsimula na silang maglakad habang nanatiling naka-akbay ang kamay ng binata sa balikat ng dalaga. Pagdating nila sa cafeteria, agad pinaupo ng binata ang kaibigan. Sumunod din siya sa pag-upo. Nang matitigan niya sa mas malapitan ang kaibigan.

“Ang ganda mo pala talaga, Kat.”

“Binobola mo ako. Tsk!” irap na sagot ni Katleya.

“Bakit kita bobolahin? E, ang ganda mo naman talaga sa mga mata ko.”

“Ewan ko sa iyo. Blue, narinig ko kagabi, sinabi ni Red na crush niya ako. Totoo kaya iyon?”

Napaubo bigla ang binata sa hindi malamang dahilan.

“Ano ang nangyari sa iyo?” si Katleya.

“W-wala. Sige na, mag order na muna ako. Umupo ka muna riyan.”

Inabutan ni Katleya ng pera ang binata. “Bayad ko.”

“Hindi na. Libre ko. Basta ang gagawin mo lang kapag kasama ako, kumain.”

“Paano kung tumaba ako?” tanong ni Katleya.

“Nothing will change. You're damn gorgeous,” anito. Kinindatan pa niya ang kaibigan.

Napangiti naman si Katleya habang paalis ang binata. Nanibago kasi siya sa kinikilos nito. Parang may kakaiba.

Minuto ang lumipas, bumalik na ang binata at bibit ang pagkain na in-order. Umupo na ito at inabot kay Katleya ang pagkain.

“Eat well, my princess,” tugon niya.

“Princess ka riyan.” Nanlaki naman ang mga ni Katleya nang makita ang in-order na pagkain ng kaibigan. “Mauubos mo 'yan?”

“Oo,” anito.

“Sabi mo sa akin, si Red ang matakaw. Ikaw rin pala.” Muntikan nang mabilaukan ang binata. Napatawa naman si Katleya. “Ano'ng nangyari sa iyo, Blue? Ang weird mo. Kanina ko pa napapansin. Parang hindi ka mapakali? May dinaramdaman ka ba?”

“W-wala. Nasabi ko pala iyon?”

“Oo. Sabi mo, matakaw ang kapatid mo, masama ang ugali niya sa iyo, at panghuli.” Napatawa ito, “May nunal sa ano si Red.”

Nagsilabasan ang pawis ng binata sa kanyang katawan. Nang makita ni Katleya ang pawis sa mukha ng kaibigan, pinunasan niya ito gamit ang kanyang panyo.

Napatitig naman ang binata habang ginagawa iyon ni Katleya. Namumula siya at hindi magkamayaw ang kanyang nararamdaman. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya.

Nang pinunasan ni Katleya ang pawis sa bandang mata ng binata, napanga-nga ito sa kanyang nakita. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa nadiskubre.

“Ano ang nangyari sa iyo?” tanong ng binata nang mapansin na nakatulala si Katleya habang nakatitig sa kanya.

“R-red?” sambit ng dalaga.

“Hinahanap mo ang kambal ko? Sad.”

“Nawala iyong nunal mo.”

“N-nawala?!” sigaw nito.

Kinuha ng binata ang phone niya para tingnan ang mukha. Nanlaki naman ang mata ni Katleya nang makita na may nakasulat na 'Red' sa likod ng phone case nito. Nanalamin ang binata gamit ang phone niya, napakamot naman ito sa ulo nang makita na nawala iyong ginuhit niyang nunal.

Tiningnan ng binata si Katleya. “Let me explain.”

“So si Red ka? S-saan si Blue?”

“Hindi ka galit?” Lumapit at tumabi ito kay Katleya. Hinarap niya ito. “Please, Kat. Huwag kang magagalit.” Tumango ang dalaga. “Yes. I love you!”

FATED TO F*CK YOU✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat