Accidental Mommy 13 Missing

19 1 0
                                    


Accidental Mommy 13

Missing

Normal point of view

Kinabukasan....

Nagulat sina Anna sa biglaan paglapit ni Merry Jen kay Ms. Bell. Alam naman nila na hindi nag-uusap ang dalawa kahit nasa iisang silid lang naman sila.

"Ms. Bell, pwede ba kitang makausap?" –Merry Jen

"For what?" –Ms. Bell

Isang kakaibang tingin ang isinagot rito ni Merry Jen.

"Sekreto ba ang pag-uusapan natin, Miss Salda?" -Napailing nalang sina Anna dahil sa sinabi ni Ms. Bell.

Tila naasar si Merry Jen dahil sa inasta ni Ms. Bell. Kahit asar ito pilit parin itong ngumiti sakanya.

"Maaari ko bang mahiram si Baby Zeke just for one day?" –Merry Jen

"Yun kung papayag ang bata." Nagulat sina Anna dahil sa naging sagot ni Ms. Bell. Alam nila na hindi maganda ang naging trato ni Merry Jen kay Baby Zeke noon.

"I'm sure, papayag siya." Tila siguradong saad nito. "So, kailan siya free? Pwedeng ngayon na?" Atat na tanong nito.

Hindi ito sinagot ni Miss Bell imbis ay tinawagan nito si Baby Zeke. Tila nakaramdam ng inis si Merry Jen dahil sa inasal ni Ms. Bell. Napailing nalang sina Anna na tahimik lang nakikinig sa usapan nilang dalawa.

"Nasaan ka ngayon?" –Ms. Bell

"Nasa company po, Mommy." Masayang sagot ni Baby Zeke.

"Gusto kang makausap ni Miss Salda." Hindi agad nakasagot si Baby Zeke.

"Okay po, Mommy." Mahinang sagot nito. "Pwede po ako ngayon." Halata sa boses ni Baby Zeke na tila napipilitan lang ito.

"Street park ****, around 2pm." Saad ni Ms. Bell na nakatingin kay Merry Jen na tila dalawa silang sinabihan nito.

"Noted po, Mommy. I love you... Muaahhh.."

"I love you more."

Ended call....

"What else?" Miss Bell

"Yun lang." Pairap na bumalik si Merry Jen sa table nila ni Zeke. Napapangiting napailing nalang sina Anna dahil sa nasaksihan nila.

-----

1:50pm at street park ****

Maagang dumating si Baby Zeke sa tagpuan nila. Nagpahatid lang ito sa company driver nila at pinaalis din ito agad. Pagkalipas ng ilan minuto dumating narin si Merry Jen.

"Anak?" Tila nakaramdam ng kaba si Baby Zeke.

"Ma!" Nakangiting sambit nito na hindi na pinansin ang kabang nararamdaman nito.

Mahigpit itong niyakap ni Merry Jen. Gumanti naman ng yakap si Baby Zeke. Kumain ang dalawa sa kilalang restaurant at masayang nagkukwentuhan. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap bigla nalang naging seryoso ang tanong ni Baby Zeke.

"Bakit po kayo nakipagkita ngayon?" –Baby Zeke

"Bawal bang makita ka?" Nakangiting sagot ni Merry Jen,

"Hindi naman po." Masaya man siyang makasama ngayon ang kanyang tunay na ina. Hindi parin nito maiwasan makaramdam ng takot rito. Idagdag pa ang kaba nararamdaman nito kanina pa.

Accidental Mommyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن