Chapter 36

5.1K 99 15
                                    

I really appreciate your comments babies. Tuwang tuwa ako lalo na kay Candicee027 ang dami nyang nakakatuwang comments at g na g sya kay Devil at Eury hahahahaha. Keep commenting your reactions. I'm reading it all.
~
Kwin's P.O.V
One week had past at wala naman nang masyadong kaguluhang nangyayari and I'm thankful na lang ang nangyari. Na tapos na. Back to normal ang lahat at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na walang nangyayaring masama samin ng baby ko lalo na't malapit na rin akong manganak.

6 months and 1 week na ang baby ko at ang sabi ng doctor ay kailangan ko pa ring mag-ingat dahil masyadong maselan ang pagbubuntis ko. Kahit na buo na raw si baby ay may possibility daw na malaglag pa rin ito. Kaya naman doble ingat pa rin ako lalo na si Devil. Ni hindi nya na ako pinapagalaw dito sa bahay kahit simpleng pagluluto ay ayaw nya ng ipagawa sakin.

Ang lagi nyang sinasabi, 'I want to be with you forever so please, don't risk your life and our baby's.'

Kaya ngayon, eto ako sa may veranda namin. Nakatingin lang ako sa labas dahil wala naman akong magawa. Wala si Vileir dahil busy sya sa school nila. Malapit na kasi ang Halloween party sa school nila kaya medyo busy ang schedule ng asawa ko. So ang ending, ako lang ang nandito pati na rin yung kasambahay na kinuha ng asawa ko para daw may kasama ako dito.

Kung sa akin lang ay kaya ko namang mag-isa dito kaya lang, hindi na ako mag-isa lang ngayon. May buhay na sa loob ng tyan ko at hindi ko isasaalang-alang ang buhay ng anak ko para lang magawa ang bagay na nagagawa ko dati.

Bored na bored man ako ay wala akong magawa kundi sundin ang gusto ng asawa kong magstay sa bahay.

"Kwin! Kwin! Kausapin mo ako Kwin!"

Rinig kong sigaw sa may labas ng bahay namin. Sino naman kaya yon? Parang boses ni Zant yon ah? Ano na naman kayang ginagawa ng lalaking yon dito? Hindi ko pa sya napapatawad sa ginawa nya sakin at mukang hindi ko na sya mapapatawad pa.

Pinaikot nya ako.

Ginawa nya akong tanga.

Sinaktan nya ako dahil akala ko, iniisip nya ang ikabubuti ko, yon pala, sarili lang nya ang iniisip nya. Ang sakit isipin na yung taong pinagkatiwalaan mo ay ginago ka lang. Sinaktan ka lang para sa sarili nyang kagustuhan at kapakanan. Minsan nga ay napapaisip ako kung bakit merong ganong mga tao. Kung bakit may mga taong kayang gawin ang lahat makuha lang ang gusto kahit na alam nilang may masasaktang iba.

Napakaselfish nila.

"Kwin! Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap!" Muling sigaw nya.

Napairap na lang ako dahil sa sinabi nyang yon. Wag ba syang umalis don. Narinig ko pa ang paulit ulit nyang pagsigaw hanggang sa narinig ko na rin ang boses ng security guard samin. Siguro ay tumawag ang kasama ko sa bahay dahil sa pag eeskandalo ni Zant.

"Kwin! Please! Mahal na mahal kita! Pakinggan mo ako! Maniwala ka sakin! Ginawa ko lang yon para maging masaya tayong dalawa!"

Doon na ako nainis kaya naman naglakad na ako palabas ng bahay at galit na hinarap sya.

"Walanghiya ka!" Sa galit ko'y sinampal ko sya na ikinagulat nya. "Masaya? Sa tingin mo ba ay naging masaya ako nung mga panahong ginago mo akong hayop ka?" Umiiyak na ako dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.

Galit, inis, at panghihinayang ang nararamdaman ko habang kaharap ko ang taong pinagkatiwalaan ko ng husto. Masyado akong naging tanga dahil akala ko iba sya.

Nagkamali ako.

Mas masahol pa sya sa hayop na nakilala ko.

"Kwin, maniwala ka, hindi ko intensyon na gawin yon, mahal lang talaga kita." He tried to hold my hand pero umiwas ako. Dumaan naman ang sakit sa mata nya at doon ko lang nakita na umiiyak sya.

Devil's Baby [R-18] ✔Where stories live. Discover now