Chapter 18

6.9K 133 4
                                    

Please do comment and vote. I highly appreciate it. Thank you~

~

Kwin's P.O.V
"It's Eury, Synae. Kapatid ko si Zach." Nakangiting pagpapakilala nya sakin. "How did you know her?" Tanong nito sakin.

"A-ah hehe, bestfriend ko sya. Sorry, akala ko ikaw sya eh. Kamukang kamuka mo kasi sya." Pahiyang sagot ko sa kanya at napakamot pa sa batok ko.

"Ikaw lang ang nagsabi na kamuka ko si Zach. Diba baby?" Tanong nya kay kuya Vil at hinalikan ito sa pisnge.

Tumango lang si kuya Vil sa sinabi nito.

Pasulyap sulyap lang ako sa kamay nilang dalawa. Kuya Vil's hand and hers are perfect fit. Bagay na bagay sila. Napangiti ako ng mapait.

"Kwin ko?" Sunod no'y nakarinig ako ng pagtikhim.

"Huh?" Takang tanong ko ng tawagin ako ni Zant.

"Lutang ka na naman, Kwin ko. Sabi ni ate Eury, lunch na raw tayo. Sabay na raw tayo sa kanila." Tumango na lang ako kahit labag sa loob kong sumama at makisabay sa kanila.

Sumasakit ang mata ko sa twing napapatingin ako sa kamay nilang magkahawak at higit sa lahat, sumasakit ang puso ko sa kadahilanang iba yung may hawak sa kamay nya. Parang kailan lang nung ako pa ang may hawak non. Parang kailan lang nung sinabihan nya akong mahal nya ako. Ano yon? Pampalipas lang ako? Ganon? Kasi wala pa siya kaya ako na lang muna? Napailing ako sa mga naiisip ko.

"Kwin ko, halika na nga dito. Baka mapagkamalan kang baliw dyan sa kakailing mo." Hinila ako no Zant patabi sa kanya at inakbayan ako. Muli akong nakarinig ng pagtikhim sa may bandang likod namin.

Hindi ko na lang yon pinansin at sumabay sa paglalakad ni Zant.

~
"Baby, diba favorite mo to? Ayaaan~" malambing na pagkakasabi ni ATE EURY sa BABY nyang si Kuya Vil pagkatapos ay inilagay ang fish fillet sa plato nito.

Napaikot ang mata ko dahil sa nakita. Napatingin naman sakin si kuya Vil kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain kahit na wala akong gana. Narinig ko naman ang pagtawa ni Zant sa tabi ko kaya tinignan ko sya.

"Ang kalat mo namang kumain, Kwin ko." Pinunasan nya ang gilid ng labi ko at ngumiti sakin pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. Napatingin ako kay kuya Vil at nakita ko ang galit nitong muka.

Nag-iigting ang panga nya at parang any minute ay pwede nya nang suntukin si Zant.

Iniwas ko ang tingin ko at patuloy sa pagkain. Hindi ko na sya tinitignan kahit alam kong nakatitig sya sakin at parang tinutunaw na nya ako. Panay ang paglambing sa kanya ni Ate Eury at naiirita na ako don. Kaya naman nagpaalam ako sa kanilang magbabanyo muna at naiihi ako.

Habang papunta sa c.r ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ba tong nangyayari. Bakit? May nagawa ba akong mali? O sadyang ginawa nya lang akong pampalipas oras? Mahal nya ba talaga ako? Bakit parang hindi? Kung mahal nya ako, sino si ate Eury sa buhay nya? Haaaays! Ang gulo!

Pagkatapos kong maglabas ng tubig sa katawan ay pabalik na sana ako ng may makita akong mag-asawa. Magkaheight si Kuya Vil at yung lalaki pagkatapos ay ka height ko naman yung babae. They are eating ice cream at pareho silang nakajacket na parang pang couple.

"Mahal, pagkatapos nito, uuwi na tayo satin at ipagluluto kita ng paborito mong adobo." Sabi ng lalaki sa babae. At sa sandaling yon, may biglang nagflash na senaryo sa utak ko.

It's me, wearing a wedding ring. Katulad ng sa lalaki at babae, kumakain din kami ng ice cream ng isang lalaki. Katulad na katulad ng sinabi ng lalaki yung sinabi ng lalaking kasama ko. Ang kaibahan lang hindi mahal ang tawag nya sakin.

Sumasakit ang ulo ko at parang binibiyak dahil sa mga bagay na naaalala ko. Hindi mahal ang tawag ng lalaki sakin kundi...

"My Queen..." Queen? Sino lang ba ang tumatawag sakin non? Argh! Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko at parang anytime ay mabubuwal ako.

I was about to fall down ng may maramdaman akong sumalo sakin.

"My Queen..." Napatingin ako sa taong nakahawak sakin.

Kuya Vil... At tuluyan na akong nilamon ng dilim.
~
"My Queen, I told you that staring is rude? Right?" Nakasimangot na sabi ng isang lalaki sakin.

Nakatitig kasi ako ngayon sa isang basketball player dahil sobrang galing nyang maglaro. May crush na nga ako dito kaya siguro nagmamaktol tong isa.

"Synae ko!" Nakapout na sabi nito sakin.

Tumingin lang ako dito at nang-aasar na ngumiti. Tinitigan ko ang mata nito na puno ng pagseselos at biglang napalitan ng pagnanasa.

"You bitch! Wala kang kwenta!" Naramdaman ko ang pagsampal nya sakin at pilit nya akong hinuhubaran.

It's like a dejavu. Ganitong ganito rin yung nangyari sakin sa panaginip ko nung una. He's forcing me!

"Tama na! Parang awa mo na!"

"Synae... Synae..." Naramdaman ko ang pagyugyog sakin ng kung sino kaya agad akong napabangon.

Hingal na hingal ako at parang may humahabol sakin na isang masamang tao.

"Ayos ka lang? Synae?" Napatingin ako sa taong nasa tabi ko. Kuya Vil? Agad akong nakaramdam ng kaba at takot ng lumapit sya sakin.

"Wag. Parang awa mo na! Wag!" Takip takip ko ang katawan ko at takot na takot na lumalayo sa kanya.

"Synae, Queen ko, ako to. Ako to, mahal ko." Masuyo nya akong niyakap ngunit nagpupumiglas pa rin ako. Natatakot ako. Sasaktan nya ako!

"Lumayo ka! Parang awa mo na!" Umiiyak na sabi ko sakanya.

Mas niyakap nya ako ng mahigpit at paulit ulit nyang sinasabi sakin na mahal na mahal nya ako.

"My Queen, look at me." He cup my face and face it to him. "I love you very much, please come back to me, please." Mangiyak ngiyak na sabi nya sakin. "Patawarin mo ako sa nagawa ko, Synae ko. Pakiusap bumalik ka na." Tuluyan nang tumulo ang luha nya dahil sa sinabi.

Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong umiiyak at kumakalma dahil sa sinasabi nya.

"Devaughn, mister ko..." May kung anong nagsasabi sakin na yan ang tawag ko sa kanya.

Gulat na lumingon sya sakin na may maliit na ngiti sa labi.

"Wife..."

Devil's Baby [R-18] ✔Where stories live. Discover now