Maingat na ipinarada niya ang sasakyan sa maliit na garahe ng bahay ni Xylee. Well, soon ay ililipat na ng kapatid ang ownership sa kanya dahil nagpasya siyang bilhin iyon. Ayaw ni Xylee na gawin ang gusto niya dahil para na rin iyon sa kanilang mga magulang but she insisted, alam niyang kakailanganin din ng kapatid ang pera sa pagsisimula ng pamilya nito.

Kakatapos lang niya sa kanyang residency at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pribadong hospital na malapit sa subdivision. Maswerte siyang natanggap doon bilang resident doctor at maswerte din siyang malaki-laki ang benefits na nakukuha niya. Hindi lahat ng mga doctor ay maswerte tulad niya, may mga doctor na nagtatrabaho sa mga public hospitals na may malaki-laking sweldo kompara sa mga nasa pribadong hospital pero triple naman ang workload at halos kainin ng ang oras ng mga ito.

May mga kakilala din siyang nasa ibang bansa na at doon nagtatrabaho, kapag nagsawa na siya sa hindi kalakihang sahod niya dito sa bansa ay baka maisipan din niyang mangibang bansa pero so far ay okay pa naman siya. Wala pang matinding rason para gawin niya ang kanyang plan B, rest assured na may isang doktor na kagaya niyang mananatili sa Pilipinas.Gusto din niyang mag-fellowship at magsubspecialized.

"Bakit ang tagal mo?" natigilan siya sa pagmumuni-muni ng marinig ang boses ng kapatid. Xylee is a teacher and no wonder kahit alas dose na ng gabi ay buhay na buhay pa rin ito kaharap ang pinakamamahal nitong laptop at kung anu-anong mga papel sa tabi nito.

"Bakit gising ka pa?"

"May ni-re-record lang ako at finafinalized ko ang mga gradesheets para maibigay ko na ang mga grades ng mga students sa kanilang adviser." Ilang beses na niyang nakikita ang ganitong eksena kapag naabutan niyang gising ang kapatid. Sabi nila mahirap maging doktor at totoo naman iyon, pera, oras at buong buhay mo ang ibibigay mo para matapos ka sa ganoong propesyon. Pero hindi rin niya ma-take na gawin ang trabaho ng kanyang kapatid, masakit sa ulo at mas feel niyang maghiwa ng katawan ng tao keysa sa ginagawa nito.

"Matulog ka na, maaga ka pa bukas. Alam mong hindi maganda sa katawan ang pagpupuyat."

"Malapit na akong matapos and by the way, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Why are you so late?"

"Traffic, mukhang may nangyaring aksidente o aberya sa daan na nadaanan ko. Akala ko short cut hindi pala kaya inabot ako ng ganitong oras." She lied. Wala siyang balak sabihin sa kapatid ang dahilan not when she knew how 'supportive' her twin sister is.

"Huwag ka ng magshortcut next time. Kumain ka na?"

"Yup. Gusto mo ng gatas ipagtitimpla kita." She offered. Her sister is her bestfriend, wala siyang masyadong kaibigan. Mas sociable ang kapatid niya kaya naiintindihan niyang maliban sa kanya ay may mga ibang friends din ito.

"Uminom na ako kanina, sandali nalang talaga ito." Ilang minuto lang ay natapos nan i Xylee ang kung anong ginagawa nito. She sighed as she watches her sister filing everything. "By the way Xelena, naalala mo si Xenon? Iyong first love mo." Bakit ba niya naisip na hindi na niya uli mai-encounter ang pangalan na iyon at ang taong iyon?

"Who?" she asked in a straight face.

"Iyong hinahabol-habol mo dati. Hindi mo na siya maalala?"

"Sorry, I can't remember." She pretended. "Classmate ko ba siya sa medical school or sa pre-medical course ko?"

"Seriously, hindi mo na siya maalala?" nagdugtong ang kanyang kilay.

"Sa dami ng mga taong dumaan sa buhay ko mukhang hindi ko na maalala ang lahat ng iyon." Nagkibit-balikat siya. "I can't really remember that name."

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ