KABANATA LVI:PAGBAWI SA HATHORIA

Magsimula sa umpisa
                                    

AGATHA:Kung ganon man ay kailangan natin makuha ang mga ito!

RAVANA:Nahihibang ka na Agatha, kung ako sa iyo ay babalik na ako ng Hathoria sapagkat sinusugod na ito ng mga diwata!

AGATHA:Pashnea di mo man lang ako tutulungan?

RAVANA:Poltre,ngunit mahina din ang aking pwersa kahit pa maglikha ako ng mga panibagong kawal ang malalagas o kaya dadapuan ng malubhang sakit ang mga ito!

AGATHA:Tanakreshna!(Saka nag-ivictus ako patungong Hathoria)

KAHARIAN NG HATHORIA

Pagdating ko sa Hathoria ay nalalagas na ang halos lahat ng aking mga kawal at nakita ko ang mga anak ni Pirena na ginagamitan ng kapangyarihan ang aking mga alagad sa punong bulwagan hindi maari ito,hindi nila maaring kunin ang aking pinaghirapan!napukaw lang ang aking atensyon ng magsalita ang warkang si ALANA.

ALANA:Ano ka ngayon Agatha,nalalagas na ang iyong mga alagad wala ka ng magagawa!

AGATHA:Pashnea hindi niyo makukuha sa akin ang aking kaharian!

MIRA:Kailan mo pa ito naging kaharian?Sa pagkakaalam ko ay kami lang nila Yna at Ama ang nakitira dito kasama ang mga mamamayang Hathor at Diwata!

AGATHA:Makukuha niyo lang ito kapag hindi na kayo humihinga!

Kaya sinugod ko sila at naglaban gamit ang aming mga sandata at kapangyarihan tanakreshna hindi ako maaring matalo dito sadyang malalakas ang mga ashtading ito!

GENERAL'S PROVERBS

Malinis na sa Hilaga,Silangan,at Kanlurang bahagi ng palasyo ang natira nalang ay si Agatha na nilalabanan sina Mira at Alana gagamit pa sana ng kapangyarihang niyebe si Agatha ngunit naunahan siya nila Mira at Alana kaya nagkaroon siya na malalang sugat hindi ito humihilom agad sapagkat ang enerhiyang nanggagaling sa mga brilyante ng dalawang Sangre ay mas malakas na ngayon kaysa kapangyarihan ng Hara ng Niyebe.

AGATHA:Pashnea!(Susugod na sana siya ngunit pinigilan siya ng kanyang Mashna)

MASHNA:Aatras nalang po tayo Hara sapagkat napakahina na ng ating pwersa at sugatan pa po kayo!

AGATHA:Hindi pa tayo tapos!(Saka nag-ivictus)

Napangiti naman ang magkapatid na Alana at Mira sapagkat sa wakas nabawi din nila ang kanilang kaharian.

ALANA:Sa wakas nasa atin na ulit ang Hathoria!

MIRA:Oo,kapatid ko kung andito pa lang sila Yna at Ama natitiyak ko na matutuwa din sila.

ALANA:Sinabi mo ba Ate kaso wala na sila eh.. (Saka ngumiti ng mapait)

MIRA:Huwag ka ng malungkot,titiyakin ko maging masaya pa rin ang pamilya natin.(Saka nagyakapan ang magkakapatid)

Ilang sandali lang sandali lang ay nagsidatingan na ang kanilang mga pinsan sa punong bulwagan kasama ang kanilang mga kawal.

ADAMUS:Sa wakas nabawi na rin natin ang Hathoria,at ang susunod nating babawiin ang Sapiro!

LIRA:Tama ka doon Adam sa ngayon ay linisin na natin ang dapat nating linisin!😊

Nawala na ang sumpang inilagay ni Adamus sa Hathoria at bumalik na rin ang dating kagandahan ng palasyo saka nilagyan nila nito ng makapangyarihang pananggalang nang saganon ay walang kalabang makakapasok sa palasyo pagkalipas ng ilang sandali ay nagkaroon ng konting kasiyahan ang mga diwata sapagkat nabawi na rin nila ang isa sa kahariang naagaw ng mga kalaban.

KAHARIAN NG SAPIRO

LUCIO'S PROVERBS

Nabalitaan ko mula kay Agatha na nabawi na ng mga diwata ang Hathoria nandito kami ngayon nila Ether,Agatha,at Ravana sa silid pulungan sapagkat pag-usapan namin kung ano ang aming gagawin.

RAVANA:Ngayon na nabawi na nila ang Hathoria natitiyak ko na,sasamantalahin nila ang pagkakataon na mabawi ang iba pang mga kaharian sapagkat mahina pa sa ngayon ang ating pwersa.

LUCIO:Ano ang ating gagawin ngayon?

ETHER:May mungkahi ako na nakipagkasundo muna tayo sa mga diwata habang mahina pa ang ating pwersa.

AGATHA:Makipagkasundo paano?, huwag niyong sabihin na ibibigay natin kung ano man ang kanilang nais.

RAVANA:Hindi naman sa ibibigay natin kung anuman ang kanilang hilingin sabihin nalang natin sa kanila na tigil digmaan muna.

LUCIO:Paano kung meron silang hihilingin?

ETHER:Kung may hihilingin man sila ay ibibigay natin kung ano man ang kaya nating ibibigay.

AGATHA:Nahihibang na ba kayo Bathaluman paano...

Magsasalita na sana si Agatha ngunit pinutol siya ni Ravana.

RAVANA:Sheda Agatha! wala tayong pamimilian sa ngayon at nag-iisip pa ako ng paraan kung paano malulutas itong problema natin!

AGATHA:Poltre Bathaluman..

KAHARIAN NG HATHORIA

Habang nagsasaya ang mga diwata ay binigyan ni Nunong Imaw at dineklara ng Hara ng mga diwata na si Mira at Alana ang magiging pinuno ng Hathoria bilang mga Sangre.

ALANA:Una sa lahat ay nais kong magpasalamat kay Emre sapagkat hindi niya tayo pinabayaan,avisala eshma din kay Yna at Ama sapagkat hinubog at ginabayan niyo kami si Alana kung paano maging matatag at maging mabuting pinuno batid ko po na narinig niyo po kami sa Devas,nagpapasalamat din ako sa inyong pagtulong niyo upang mabawi ang Hathoria pinapangako ko na magiging mabuting pinuno kami ng aking kapatid gagawin namin ang lahat upang manatiling maayos ang kahariang ito at matustusan ang pangangailangan ng mamamayan dito!

MIRA:Wala man sila Yna gagawin namin ang lahat ng aming makakaya ng aking Apwe upang maging kasinghusay nila Ama at Yna ang aming pamumuno at pagpapatakbo dito sa Hathoria wala pa ring magbabago sa batas kagaya ng ibang kaharian ay aasahan niyo na kakalalingahin kayo at aalagaan ng Hathoria.

ERES:Ivo live Hathoria!

ALL:Ivo live!

MUROS:Ivo live Lireo!

ALL:Ivo live!

MAYCA:Ivo live Sapiro!

ALL:Ivo live!

ISRAEL:Ivo live Adamya!

ALL:Ivo live!

IRAH:Ivo live Nathaniel!

ALL:Ivo live!

HITANO:Ivo live Encantadia!

ALL:Ivo live!

Pagkatapos ng ilang oras ay nagsi-uwian na ang ibang mamamayan sa Nathaniel at ang iba naman ay nanatili sa Hathoria.

ITUTULOY...

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon