TEASER

15K 211 25
                                    

DYNASTY SERIES

Presents:

"PLEASURE of LOVE"

 

 

T E A S E R

 

 

        Mas mapanganib ang katahimikan kapag namayani sa lugar na nakasanayan mong maingay at magulo. Hindi mo alam kung anong kahulugan ng katahimikan, nagbabadya ba eto ng panganib o tuluyan na ngang nakamit ang kapayapaang iyong hinahangad. Ang kilalang Dynasty Palace ay nanahimik sa loob ng halos dalawang taon, walang lumulutang na kamag-anak at kumukuha ng bangkay ni Randolf Gwen, kaya naman ang Pamahalaang Pilipinas kaagapay ng Sandigang tagapangalaga ng kahusayan at katahimikan ay nagpasyang ilibing ang labi ni Randolf Gwen. Sa isang pribadong lugar na pag-aari ng Gobyerno.

 

        Sa pagbubukas muli ng Series na eto may kamumuhian, kagigiliwan kayong muling mga tauhan, mga bagong magbibigay buhay sa Dynasty Palace. May mga tauhan ding pamilyar na sainyo at minahal n'yo na nang unang lumabas ang Series na eto. At sa pangalawang akda ng DYNASTY SERIES, halina at kilalanin natin ang s'yang magbibigay buhay ng kwentong eto.

 

 

JOHN CHRISTOPHER [JC] SANCHEZ. Matipuno, mabait, kwela, matapang, at handang gawin ang lahat para sa kanyang nag-iisang kapatid. Kaya n'yang itaya ang sarili para lamang sa kapanan ng nag-iisang kapatid n'ya. At ang lalaking handang ipaglaban at iligtas ang babaeng magpapatibok ng kanyang pihikang puso. Mabait pero kapag nagalit hindi mo iibiging makita ang kanyang pagkamuhi. Magmamahal. Ngunit saan s'ya dadalhin ng kanyang pag-ibig sa isang babae? Handa ba n'yang tanggapin ang katotohanan sa babaeng kanyang mamahalin? O mas mananaig ang batas na kanyang pinapalakad?

 

LIAN LIM. Simpleng babae, isang pangkaraniwang guro sa pampublikong paaralan. Lumaking may takot sa Dios, napapaligiran ng mga taong buong buhay ang kapit lamang ay sa taas. Isang dalagang kabibighanian ng sinumang lalaki sa taglay n'yang ganda. Ngunit ano ang lihim ng kanyang buong pagkatao at mas pinili n'yang mamalagi sa kumbento kung saan s'ya lumaki? Handa ba n'yang tanggapin ang pagbabagong mangyayari sa kanyang buhay, sa kabila ng ang sandalan nya lamang ay ang Panginoon. Ano ang magiging papel n'ya sa buhay ni JC Sanchez?

 

SUGAR WINTER. Mapusok, mapang-akit, kahali-halina. Subalit sa kabila ng kanyang magandang katangiang pisikal mayroong nakatagong pagkatao na hindi mo maiibigan. Ano eto at bakit n'ya ginagawa ang mga bagay na s'yang magiging dahilan para kamuhian ng isang JC? Isa nga ba s'yang masama o may natitira pang kabutihan sa kanyang puso?

 

MAR AGUIRRE. Isang sikat na Radyo broadcaster, matapang at wala s'yang pakialam kung sino ang kanyang binabangga, basta ang alam n'ya isinisiwalat n'ya ang buong katotohanan. Ano ang magiging papel n'ya sa Dynasty? At saan kaya s'ya dadalhin ng kanyang tapang at pagsisiwalat?

 

FREYA GWEN. Nag-iisang tagapagmanang buhay ni Don Vitto Gwen. Isang misteryosang babae, walang identity. At tanging ang alalay lamang nitu ang nakakakilala sa kanya. Sino si Freya? Isa ba s'yang kaaway ng batas o isa lamang s'yang kasangkapan para matupad ang paghihiganti ng matandang Don?

 

DON VITTO GWEN. Isang bilyonayong nanatiling nanahimik sa pagkamatay ng kanyang uniko ijo. Ngunit sa kanyang pagbabalik, magbabayad ang mga taong lumapastangan sa buhay ng kanyang anak na si Randolf Gwen. Puno ng poot at galit, puno ng paghihiganti ang nasa puso ng matanda. Paano n'ya sisimulan ang buhay kung nawawala pa ang kanyang taga pagmana? Makakamit ba n'ya ang kanyang paghihiganti o maililibing na rin eto kasama ng yumao n'yang anak na si Randolf.

 

ECHEN. Isang dakilang alalay ng tagapagmana. Ano ang kanyang magiging papel sa muling pagbangon ng Dynasty?

 

 

        Pitong pangalan, pitong mga bagong karakter na s'yang mamahalin at bago n'yong iibigin. Maaring kamuhian nyo rin ang ilan sa kanila. Anu-ano ang magiging papel at hangarin ng bawat karakter sa pagbuhay ng Dynasty Palace?

 

 

¤¤¤

 

 

        A/N: "Sana mahalin n'yo pa rin ang akdang eto kagaya ng nauna. May mga kumplekadong sitwasyon at alam kung magtatanong kayo kung sino at bakit? Pero malilinawan naman po ang lahat habang umiikot ang kwento, wag lang po tayo maiinip.. Ngayon palang nagpapasalamat na ako sainyong walang sawang paghintay at pagsuporta. Sinisipag ako kase nakikita kung palagi kayo nakakumento at nakalike. Kaya naman eto na po ang pangalawang akda ng Dynasty Series.."

 

DYNASTY SERIES "Pleasure of Love"Kde žijí příběhy. Začni objevovat