Prologue:

573 11 1
                                    

Prologue:
June 15, 2013 - Seoul, Korea

Nandito ako ngayon sa mall to look for new albums na kakarelease pa lang na pwede kong magustuhan.

I'm walking here alone at ang mga nakikita ko, puro mga nagdadate or kasama ang kaibigan nila.. pero okay lang, hassle kasi pag may kasama. Magtitingin lang naman ako ng album eh, pati B.I sila minsan. Sa halip na makatipid ka eh gagatungan ka pa nila to buy things, kaya ang ending, mapapagastos ka talaga.

So ayun, I walked inside a store at nagtingin ako sa mga racks and shelves nila at tinandaan ko yung mga possible na bilhin ko kapag kasama ko na ang mga kaibigan ko.

After being satisfied sa mga napili ko eh lumabas na ako nung store at decided to drop by a bubble tea store na malapit lang dun sa store ng CDs.. Nauhaw ako bigla eh.

After kong bumili, wala, nag-ikot lang ako sa mall, naisip ko kasi na pumunta ng bookstore to look din for new books eh bumili ako ng bubble tea so uubusin ko muna s'ya before I head there.. Bawal ang foods eh..

Nagulat na lamang ako ng may biglang nagsigawan na mga tao sa di kalayuan..

Halaaaa?! Anong meron?! May sunog?! O.o?!

Nagpanic ako bigla kaya naman tatakbo sana ako pero isang lalaking naka-jacket with matching na mask at sumbrero ang nakabangga sa akin kaya natapos yung bubble tea ko sa kanya..

OMG!

Magsosorry na sana ako sa kanya pero nagulat nanaman ako ng bigla n'yang hawakan ang kamay ko at hinila n'ya ako papunta sa exit ng mall..

Pagkarating namin dun eh agad naman na humarang yung mga guard sa kanya, or rather, sa amin.. Hinawakan naman n'ya yung ulo ko at iniyuko n'ya iyon bago n'ya ako hinila palapit sa kanya before guiding me out of the crowd and the mall..

Ng makalabas kami eh isang itim na van ang tumigil sa harap namin kaya naman binitawan n'ya ako.

Ewwww~ I feel so sticky~! Ang lagkit kaya nung bubble tea.. huhu

Tinanggal naman n'ya yung sumbrero at mask n'ya kaya nakita ko na yung mukha n'ya.

HOLY SMOKES! Ang gwapo ni kuyaaaaa~

Bumukas naman yung pinto nung van at puro lalaki yung bumungad sa akin..

"Jin-hyung! Tara na!" sigaw nung isang lalaki ata agad naman s'ya na sumakay at umalis na yung van.

Lumingon ako sa loob and I saw na nagkakagulo pa rin sila kasi hindi nila nakita na naka-alis na yung hinahabol nila..

Nagdesisyon na akong umuwi kasi lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.. Pero isang bagay ang nakapukaw ng pansin ko..

Yumuko ako at kinuha yung bracelet na nandun sa sahig.. Halata mong panlalaki ito sa itsura pa lamang nito.. Tinitigan ko itong mabuti at may nakita akong naka-engrave dun..

'Kim Seokjin'

Seokjin? Sino yun?

I put the bracelet on my bag and looked back on the crowd na ngayon ay kumalma na..

Who is that guy? Who were those guys?

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

Author's Corner:

WOOOOOH! Hi guys, so hindi kinaya ng feels ko yung nangyaring concert kagabi.. feeling nanuod lang ako? XD hahaha.. anyways.. eto.. dahil ang concert na yun ang major nag-ingay ako at hindi ko alam kung bakit eh ito ang bunga n'ya.. pfft.. another ON-GOING.. patay nanaman ako neto.. hoooo.. pero sana po i-support n'yo ang story ko na 'to.. 

And of course, magkakaroon po ito ng co-author.. and yes.. the same co-author.. hahaha.. Mahal na mahal po kasi ako ni bebs.. so ayun.. hihi :3

Thank you readers for reading and supporting :3 mwaaaaah~

PS: THIS IS PURELY FICTIONAL! 

I love y'all :D 

XOXO;
kaminari1007 (c)


Colliding Worlds [BTS Fanfiction]Where stories live. Discover now