Hanggang dito Nalang

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kailangan ko daw umuwi muna sa States."

"What?! Bakit? Para saan? Akala ko ba hindi ka na nila pipiliting umuwi don?"

"Oo nga love pero, si daddy kase. Kailangan kong umuwi, gusto akong makita ni daddy, nanghihina na sya love."

"Hindi ba pwedeng sila nalang ang umuwi rito?"

"Baka hindi kayanin ni Daddy,"

"Love. Sasama ako."

"Kapag sumama ka, sino maiiwan dito sa bahay? Look, isang buwan lang naman ako don. Uuwi rin ako agad. Promise."

"Palagi mokong tatawagan, update moko lagi ah. Love, umuwi ka agad."

"Opo, uuwi po ako para sa mahal ko."

"I love you."

"I love you too"

—————

Hey, I'm Cedric Lim. The boyfriend of Kiah Putter.

It's been 1 week since she left me.

It hurts to be alone, I miss her so much.

Palagi kaming magkausap sa video call, napansin kong parang nangangayayat sya,

But still, nakangiti parin sya. Hindi nawawala yung ngiti nya sa tuwing magkausap kami, pero hindi ako tanga para hindi mapansing malungkot ang mga mata nya.

Palagi akong nagku-kwento sakanya pero minsan natutulala sya. Palagi akong tumatawa para tumawa rin sya.

Minsan natatahimik nalang sya bigla.

Gusto kong sumunod sa US pero ayaw nya talaga. May nagdediskarte daw sakanya don kahit hindi nya naman gusto at hindi nya pinayagan.

Nagselos ako, hindi pwedeng mapunta sya sa iba.

Kaya napagdesisyunan kong pumunta sa US after 1 month, kapag hindi ka pa sya umuwi, ako ang pupunta sakanya.

Habang tumatagal, pakonti ng pakonti ang oras na naibibigay nya sakin, palala ng palala yung pagpayat nya.

Palagi nyang nirarason na sya yung nagbabantay sa tatay nya dahil hindi naman daw maasahan ang dalawa nyang kapatid dahil busy rin.

Dalawang araw nalang, mag iisang buwan na sya sa US. Pero ngayon na ako pupunta ron.

Tatlong araw na syang hindi nagpaparamdam sakin, tatlong araw nya ng hindi sinasagot ang mga text at tawag ko.

Kahit sila tita ay hindi rin sumasagot.

Inayos ko na ang mga gamit ko saka sumakay ng taxi papunta ng airport.

Mas lalong naninikip ang dibdib ko habang palapit ng palapit ang eroplanong sinasakyan ko sa airport na lalandingan namin.

Bumaba na ako ng eroplano saka sumakay sa kotse at tinahak ang daan papunta sa hospital kung nasaan ang tatay nya.

"Room of Mr. Will Putter?" I asked.

"He already left sir, he's been discharged 3 days ago."

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"He has been discharged ———"

"Fvck!"

Umalis na ako ng hospital saka sumakay uli ng kotse papunta ng bahay nila Kiah.

Damn it! Bakit ba sa hospital ako dumiretso? Ahh yeah, dahil akala ko dun ko makikita si Kiah dahil binabantayan nya ang tatay nya.

Bumaba na ako ng kotse. Natigilan ako ng makita ang labas ng bahay nila.

May mga puting bulaklak, wait. Patay na ba ang tatay ni kiah? Kaya hindi sya nakakatawag dahil sa sobrang pagluluksa?

Agad akong pumasok ng kabahayan para muling matigilan.

Wait, I saw her father standing in front of the coffin and her mother beside her father.

Parang may milyon milyong karayom ang tumutusok sa puso ko. Naninikip ang dibdib ko at nanghihina ang mga tuhod ko.

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? S-sino ba ang nasa loob ng kabaong?

"Cedric."

Napatingin ako sa babaeng tumawag sakin, I smiled. She's alive.

"Hey, I missed you." I said to her.

"Cedric." Niyakap nya ako saka humagulgol.

"Shh stop crying." Pag aalo ko sakanya.

"W-wla na s-sya, C-Cedric. Wala na si K-Kiah. Iniwan nya na tayo."

Nagsimula ng tumulo ang luha ko habang yakap yakap ang kapatid ni Kiah na si Leah.

"Ced." Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Leah.

"Tita." Sambit ko, niyakap nya ako ng mahigpit at gaya ni Leah, umiyak rin sya ng malakas.

"Wala na sya Ced. Wala na."

—————

Nakaupo ako sa upuang malapit sa kabaong ni Kiah, katabi ko sila tita at tito.

Nakatulala ako sa kabaong na kinalalagyan ni Kiah.

"Nagsinungaling s'ya sayo."

Napatingin ako kay tita.

"Ano hong ibig nyong sabihin?"

"Hindi tatay nya ang may sakit, kundi sya. May sakit sya sa puso, nahihirapan na sya, Ced. Tumawag sya sakin dahil gusto nyang bumalik rito para magpagamot. Dahil gusto ka pa nyang makasama ng matagal. She lied to you, akala nya makaka survive sya, pero habang tumatagal palala ng palala lang yung sakit nya. Lumaban sya para satin, para sayo. Pero hindi nya na talaga kaya Ced, hindi nya nakayanan kaya bumitaw na sya. Sorry Ced, we tried everything but nothing changed."

...

It's been a year.

Inilagay ko ang bulaklak na dala ko saka naupo in front of her grave.

"Hi Love, it's been a year, ito, gwapo parin ang mahal mo. Love, nanalo kami sa basketball kanina. Asan na yung prize ko? Asan na yung kiss at date na matatanggap ko?" Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko saka tumingala sa langit para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "Napaka ganda ng langit, kasing ganda mo Kiah."

"Love, kamusta ka na jan? Masaya ka ba jan? Wala na bang masakit sayo? Hindi ka na ba nahihirapan?"

"Love, miss na miss na kita love. Wag kang mag alala, magsasama rin tayo jan. Mahal na mahal kita love, hindi na ako magmamahal pa ng iba. I love you Kiah Putter, I miss you so much."

I know everything happens for a reason.

Akala ko'y habang buhay tayo, akala ko'y hanggang dulo. Kaya ba parang kalsada, dito na ba tayo bababa?

Kung ganito na nga ba ang usapan, kung dito na ang hangganan. Dapat sigurong iwasan, ang minsang kamustahan

Mga naka sanayan, dapat ng kalimutan, upang di tayo magkasakitan.

Hanggang dito nalang, hanggang dito nalang.

END.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon