Chapter 1

36 2 0
                                        

YEAR: 1997

Sino siya?

Ako nga pala si Felia Coralia labing anim na taong gulang ngunit sa edad ko na to ay takot padin akong makisalamuha sa ibang tao sapagkat sabi ng aking ina ay dapat huwag akong kakausap at makakasalamuha sa mga hindi ko kilala kaya naman takot rin akong pumasok sa paaralan sapagkat wala doon ang inay.

Anong araw na ba ngayon? ito na ba ang araw para ako'y pumasok sa paaralan? araw na ba nang aking pagkilala sa mga bagong taong aking makakasalamuha? Ngunit hindi pa ako handa baka ako'y hindi magkaroon ng kaibigan.

Hindi, kailangan ko nang mag ayos upang pumasok sa paaralan sapagkat magagalit ang inay kung ako'y hindi tutupad sa aming pinag usapang ako'y mag-aaral.

"Felia, anak halina at mag almusal na bilisan mong kumilos at ika'y mahuhuli na sa eskwela"

"Opo inay, nariyan na po ako sandali lamang"

Kinakabahan padin talaga ako kakayanin ko kaya? bahala na nga magagalit lamang ang inay kung ako'y mag iinarte lamang.

"Felia! bilisan mong kumilos anong oras na!"

"Opo! Andyan na po inay pasensya na po"

Ano ba naman ang inay kinakabahan pa nga ako ngayong araw ng eskwela.

"Ano bang ginawa mo felia? Pagkatagal tagal mong kumilos mahuhuli kana sa klase"

"Patawad po inay, kinabahan lamang po ako sapagkat alam naman po ninyo na takot akong makisalamuha"

"Felia, labing anim na taong gulang kana kailangan mo ng matuto hanggat bata kapa osya ika'y gumayak na mag ingat ka ha"

"Opo ina, paalam po"

Umalis na ako ng aming tahanan at naglakad patungo sa paaralan nang may kaba na dala dala habang ako'y naglalakad.

"Paano kung wala akong maging kaibigan? Paano kung wala akong makausap?"

Tanong ko sa aking sarili dahil kinakabahan talaga ako hindi ko na namalayan na nasa loob nako ng paaralan.

"Magandang umaga, nawa'y patawarin po ninyo ako sapagkat ako'y nahuli sa ating klase"

Pagbati ko sa guro dahil huli nakong nakapasok dahil narin siguro sa kabagalan kong kumilos dahil dun wala na akong oras para mamili ng uupuan.

"Felia, maupo ka sa tabi ni patrion" sabi ng aking guro.

Pumunta ako sa upuan na tinuro ng aking guro at nagsimula ang klase ilang minuto ang nagtagal at sinabi na kami ay magpakilala isa isa dahil ako ang nahuli ako ang naunang magpakilala.

Tumayo ako sa harapan ng lahat at nakaramdam nanaman ng kaba kung kaya't napatigil ako ng ilang segundo habang pinagmamasdan sila.

"Maaari ka nang magpakilala felia" sabi ng aking guro.

"Magandang umaga po, ako po si Felia Coralia labing anim na taong gulang lumaki po ako na walang ama at ang ina ko nalang po ang aking kasama sa bahay yun lamang po"

"ija, ang ganda mong bata bakit ayaw mo sumali sa mga pageant ng ating baranggay"

"Hindi ko po kasi hilig ma'am tsaka salamat po sa inyong papuri"

Bumalik na ako sa aking upuan ngunit panay tingin sakin ng katabi kong sino nga yun patron ata yun basta yun.

"Patrion magpakilala kana" pag-uutos ng aming guro.

Ayun patrion pala akala ko patron tingin siya ng tingin wala naman akong kinuha sakanya pero napapansin ko na andaming kinikilig sakanyang babae sino ba yun? pogi naman siya pero parang ang hangin tingin ng tingin sakin simple lang naman ako.

Another Life Stories to obsess over. Discover now