O__________________O

Hindi pwede ito. Agad ko siyang itinulak saka ako dalidaling tumayo at tumakbo papasok sa guest room.

Sinalat ko ang labi ko..

Oh my God..ano bang nangyayari sakin? Bakit ko hinayaan si Kyle na gawin iyon?!

After ilang minutes ay narinig kong sumara ang pinto. Umalis na siguro si Kyle.

Hinagilap ko sa bulsa ko ang cellphone at agad na nagdial..

Wala pang isang oras ay nandito na si Ella.

Kwinento ko sa kanya ang lahat mula sa pagpunta ni Patrice hanggang sa pagkakahalik sa'kin ni Kyle.

"Anong nararamdaman mo para kay Kyle?"

"Kaibigan lang sya para sakin.."

"Come to think of it, mas may pag asa pa kayo ni Kyle kesa sa inyo ni Sir. Max, kasal si sir.."

"Alam ko.."

"Alam mo rin naman sigurong di ikaw yung asawa."

"Pero Ella..."

"Pero mahal mo sya..lahat tayo dyan nasisira..sa pagmamahal.."

"I'm sorry pero eto lang ang alam kong tama.."

"Ang alin? Ang patuloy syang mahalin..wake up Maxine, andito na ulit si Patrice at anytime now pwede kang sumira ng pamilya."

"Pero hindi sya mahal ni Patrice.."

"Pero ikaw mahal mo. Sino ba ang mahal ni Vladimir? Ikaw ba o siya?" Napaiyak ako sa tanong niyang iyon..alam naming pareho na kahit ata magunaw na ang mundo si Patrice parin ang pipiliin niya kesa sa nagmamahal sa kanya. Ang loser ko naman.

"Maxine, I'm sorry pero bestfriend mo ako kaya ayaw kong nakikita kong nagkakaganyan ka dahil sa kanya. Kahit paulit ulit ko pang ipamukha sayo na di ka niya mahal gagawin ko..magising ka lang sa katotohanan."

"P-pero Ella, sa kanya ko lang naramdaman 'to."

"Wag kang maging madamot, andyan si Kyle. Pakiramdam ko ay may gusto sya sayo."

Umiling lang ako, bakit parang di ko kaya na ibaling sa iba ang atensyon ko.

Saturday.

The Proxy WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora