Chapter 11: Araw ng mga puso

Depuis le début
                                    

Kinuha ko nalang ang cheese cake sa ref at nag-slice ng tatlo sabay subo ng nagkakasunod. Kukuha na sana ako ng tubig sa ref nang makita si Mica na parang model na naglalakad palapit sa 'kin.

O_____O -itsura ko ng makita siya.

"Hi bes! Okay ba?" Bungad niyang sabi sa 'kin sabay ikot na parang model. Bigla akong nabulunan at di sadyang lumabas ang cake sa bibig ko at diretso kay Mica.

"Ewww! Yuck! Ano ka ba naman Mariz ha? Kung makabulol ka, wagas?!" Reklamo niya, nagmamadali naman akong uminom ng tubig. At nang mahimasmasan na ay nagsalita na ako.

"B-Bakit ba kasi nagsusuot ka ng ganyang uri ng damit ha? Eww, ang laswa!" Sambit ko sabay tingin sa kanya ng nakakadiri.

"Kung makatingin ka naman, ano ako tae?! At anong malaswa? Itong damit ko! FYI galing pa itong amerika noh! At ang ganda kaya ng damit na 'to, backless tas maliit na exposure ng cle*vage," pagmamayabang naman niya sa suot niyang parang ewan ko nalang!

"Okay okay, bakit ka ba nagsusuot ng ganyan? At anong ginagawa mo dito sa bahay namin?"

"First of all bes, nagsusuot ako ng ganito dahil Valentine's day ngayon! At may event sa school. Second is, pumunta ako dito sa bahay niyo upang sunduin ka! O diba swerte mo sinundo ka pa ng isang dyosa!" Sabi pa ni Mica sabay flip sa hair.

Lokaret talaga ang babaeng 'to!

Napa-rolled eyes nalang ako. "Okay, naiintindihan ko 'yung una mong sinabi kaya ka nagsusuot ng kadiring dress na 'yan. Pero, hindi ko naintindihan 'yung huling sinabi mo, ano nga 'yun? Paki-ulit please!" Bulyaw ko.

"Hays, kahit kailan bingi ka talagang babae ka! Ang sabi ko pumunta ako dito upang sunduin ka! Dahil sasama ka sa 'kin sa event sa school! Kaya umakyat kana sa kwarto mo at magbihis! Naiintindihan mo?!"

"At bakit naman ako pupunta sa event na 'yon aber?" Sabi ko sabay subo ng cake.

"Upang maranasan mo naman 'yung Valentine's event, dalawang taon nalang at gra-graduate na tayo ng college hindi mo pa din nararanasan 'yun!"

"Diba sinabi ko na sa 'yo, na hindi ako pupunta sa event na 'yun! Mas mabuting matutulog na lang ako!"

"Sumama kana sa'kin Mariz! Para naman 'to sa ikakabuti ng love life mo!"

"Ayoko! Mag-isa ka!"

"Ah, ayaw mo ah, sige tatawagan ko nalang ang adviser niyo tas hihingi ako ng number ni papa Zack, at sasabihin ko na may gusto ka sa kanya!" Napatulala ako sa sinabi ni Mica. Tatawagan niya si Zack tas sasabihin niyang may gusto ako sa kanya. No way! Mahangin pa naman ang lalakeng 'yon! Baka ano na namang kahanginan ang isipin! Nanlaki ang mata ko ng may tinawagan si Mica sa kanyang phone.

"Good morning sir, amh, pwede ko bang hingin ang number ni----" Bago pa matuloy ni Mica ang sasabihin niya, pinigilan ko na siya.

"Oo na! Sasama na! Basta itigil mo lang 'yang pagtawag mo sa adviser namin at kay Zack!" Bulyaw ko. Napangiti naman ang bruha sabay pakita ng phone niya sa 'kin at pinindut ang end call.

The Fearless Woman (OnGoing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant