Siguro kase, noon, malakas ang paniniwala nila sa soulmate? Kaya naniniwala silang kami talaga ni Diego, pero sadyang may mga bagay talagang hindi napipilit eh.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. I am a morning person at sanay akong nagjojogging tuwing umaga, gusto ko nga sanang magjog kaso naalala ko na wala akong damit kaya hindi ko nalang itinuloy.

Today’s my first day of duty, and with total honesty, wala talaga akong alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Oo nga’t ilang taon na rin akong kasal pero never ko namang naranasang maging housewife talaga eh.

Bumaba ako at pumunta sa kusina.

“Ma’am, magandang umaga ho!” she merrily greeted me

Sana lahat, maganda ang umaga no?

I just smiled at her and then went to the fridge to drink some water.

“May inihanda na po akong gatas para sa inyo ma’am, eto po oh.” Ani Lala saka abot sakin ng basong puno ng gatas

“Ah Lala, salamat ha? Pero hindi kase ako nag gagatas eh.” Tanggi ko

“Ay talaga ho ma’am? Sa kutis nyo po hindi po halatang hindi kayo umiinom ng gatas.” Puna nya

Ngumiti lang ako sa kanya. “Sya nga pala, why are you up early? Are you cooking breakfast?”

“Ay oho ma’am, mag cook po ako ng breakfast nyo ni ser! Sinabi nya narin po pala sa amin na wife nya kayo ma’am ! Tsaka ma’am alam narin ho namin na ikaw si ma’am Amanda Lopez! Yung idol ko hong artista! Sabi ko na po eh, namukhaan ko na po talaga kayo kahapon, hindi ko lang matanong kase nahihiya ako!” sabi ni Lala nang may malapad na ngiti

Nanlaki naman ang mata ko. Shems, pano kung kumalat ‘to?

“Alam ko na ho yang tinginang yan Ma’am, wag ho kayong mag-alala at kabilin-bilinan po sa amin ni ser na wag ipagkakalat ang tungkol sa inyo. Tsaka kabilin-bilinan nya rin na wag kaming magpapapicture sa inyo! Kaya no worries na po ma’am!”nakangisi na siya

Gusto ko mang umangal, wala narin akong magagawa. Besides, okay narin na alam nila para hindi na ako mahirapang magsinungaling. I just really hope they’ll keep their promise, or I’ll be dead.

Tumango ako. “Ano bang lulutuin mo Lala? Can I help?” pagwawala ko sa usapan

And that is what I did, I helped her in cooking. Ang ibang househelps naman ay nakatoka sa ibang mga gawain.

“Mabuti at alam nyo po pala kung paano magluto mam no?”

“Yeah, mag-isa kase ako sa condo.”

Nasa ganung sitwasyon kami nang pumasok si Diego sa kusina. He’s wearing black shorts paired with grey round neck shirt. Ngayong naka-tshirt sya, mas nakikita ko ang maskulado nyang braso but not to the extent na over. His built along with his height is really godly.

Napansin nya sigurong nakatitig ako kaya napatitig narin siya sa akin. Ngumiti naman ako.

Kanina lang kase narealize ko na walang saysay ang pakikipagtalo sa kanya kaya naman, I’ll do my best to be his…. Wife? For months lang din naman.

“I helped Lala cook our breakfast.” Nakangiti kong sabi

Parang nagulat siya sa sinabi ko pero tumango siya kalaunan.

“Ah ma’am, ser, handa na po ang pagkain.” Sabi ni Lala

Umupo ako sa isang upuan . Nagulat naman ako nang sumunod si Diego at umupo sa harapan ko. This is going to be the first time I’ll dine with him since I dined with the househelpers yesterday.

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Where stories live. Discover now