Nilingon ako ni Ysmael at kahit sa pag lingon niya ay nagulat pa ako. Napatalon ako ng bahagya kaya uminit ang pisngi ko sa hiya. He didn't mind. It's like it's a usual reaction of anyone.

"Let's go?" Aniya.

Tumango ako at tinuro ang parking lot. "Dala ko ang sasakyan ko."

Tumango rin siya. "Babalikan natin 'yan dito mamaya."

"Okay." Sambit ko at nagsimula nang pumanhik kasama siya.

May isang guard na lumabas sa kanyang sasakyan at agad binigay sa kanya ang susi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti at magpasalamat bago pumasok sa loob. Umikot siya at pumasok na rin sa driver's seat. Inayos ko ang aking seatbelt. Ganon rin ang ginawa niya sa kanya.

"Again, Meg, I'm sorry for being rude to you that day. I got stressed at marami akong iniisip." Aniya sa walang emosyon habang nag dadrive.

"No worries. I understand. And also, I am rude to you too. Dapat ay iginalang ko na boss ka namin. Ano na lang ang sasabihin ng iba pag tinawag kita sa pangalan mo like we're friends." Wala sa sarili kong sinabi.

Sinulyapan niya ako. "You're still that same old Megan. Some things never change, huh?" Ngumiti siya sa daan.

Tinitigan ko siya. "And you... changed a lot. But it's a good change naman." Ngiti ko. "By the way, hindi ba magagalit ang girlfriend o asawa mo na isinama mo ako ngayon sa dinner? You should have called her or maybe let her join us too?" I suggested.

Bahagya siyang tumawa. "I don't have a girlfriend or a wife, Meg. I'm sorry to disappoint."

"Oh?" Gulat kong reaksyon. "That's impossible, Mr. Aboitiz. Sa gwapo mong iyan at sa pagiging successful mo? Two things? It's either you got hurt a lot by your past lovers or you're gay!" Humagalpak ako ngunit nasa gilid ng tono ko ang biglaang takot na baka masamain niya ang sinabi ko. "I'm sorry."

Nagtaas siya ng kilay. "First, you can call me Ysmael when we're alone. Sa opisina mo na ako tawaging Mr. Aboitiz. Second, I'm not hurt or gay, Megan. Kung gusto mo ay ngayon agad ko papatunayan sa'yo na hindi ako bakla... or hurt. I just don't really like committments at the moment. It's been five years since I had my last girlfriend. Kuntento naman ako sa wala ngayon. Mas malaya ako at iwas stress."

"Oh... You must've dated the wrong girls. Dapat ay nakakatanggal ng stress ang lovelife, hindi nakakastress." Lumipad ang isipan ko kung saan kaya pinilig ko ang ulo ko para maibalik sa ngayon.

"I guess you're right." Itinigil niya ang sasakyan sa isang mamahaling strip ng mga restaurant. Iginala ko ang paningin ko doon habang tinatanggal ang seatbelt. "We're here."

Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nilagay ko ang aking bag sa aking balikat at nilingon siya. Pinasadahan niya ng tingin ang mga restaurant at tumigil ito sa isang malapit lang sa amin.

"Let's go..." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Okay." Sabi ko at sinundan na rin siya.

Pagkapasok namin sa restaurant ay may sumalubong agad na waiter na naglahad sa aming table for two. Dumiretso si Ysmael doon habang inaayos ang kanyang relo. He looked too corporate for me. Kahit sa black pencil cut skirt at white top ko ay hindi ako nababagay bilang kasama niya sa lugar na ganito. Itinaas niya ang kanyang kamay at agad may nagpuntang waiter para sa menu.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon