chapter 12

7 1 0
                                    

The beginning of the past  '

Andrea pov"

Nagising ako sa kakaibang ingay na ng gagaling sa gilid ko .. kahit inaantok pako ay pilit ko itong nilalabanan upang Makita ang Sino mang gumagawa ng ingay nayon '

Ng imulat ko ng kaunti ang aking kabilang Mata, naaninag ko ang isang pigura na pamilyar na sa akin ' Kaya minabuti Kong imulat na ang dalawa Kong Mata ' kahit madilim ay naaninag ko ang ginagawa nya dahil sa liwanag na nanggagaling sa aming bintana '

Parang pamilyar talaga sya sa akin.. Hindi ko maiwasang gumalaw ng kaunti para Makita ko ng maayos ..

Ng marinig nya ang aking paggalaw ay agad nyang sinarado ang maliit na lalagyanan' at tinitiyak Kung gising naba ako '

Minabuti Kong wag muna gumalaw upang Hindi ako mahalata' inurong ko ang Kanan Kong braso upang kalabitin si mama ' pero bigo ako dahil Wala akong makapa at ng silipin ko ay Wala na Ren sya sa tabi ko ..

Posible bang si mama Ito ang nasa baba ? Paano sya nakababa sa Kama ng Hindi ko Alam ? Nakakapagtaka ..

Tumagal ako sa posisyon kona nakatagilid upang subaybayan ang kilos na ginawa ni mama ' ngayon kolang napag tanto na si mama talaga to ' ang kanyang bestida na bulaklak ang nag bigay liwanag sa akin na dapat Kong paniwalaan na si mama talaga to ..

Nakita ko syang binuksan ang maliit na kahon na kanina Lang ay hawak nya .. ' nagulat ako ng bigla nyang ilabas ang pendant na parang katulad sa akin .. nakikita ko Kung paano haplusin Ito ni mama ' at nagulat pako ng bahagya nya itong iyakan '

Rogelio " anong ginagawa mo ngayon ? Kamusta kana Kaya .. Sana ay nasa mabuti Kang kalagayan ngayon ' kahit sinaktan mo ako ay Mahal na Mahal paden Kita ' Hindi Kona Kaya' nasasaktan nako ng paulit ulit .. pahintuin Mona ang sakit Hindi Kona Kaya ..

Rogelio ???

Sino ang binangggit ni mama? Sino si Rogelio ? May ibang Mahal si mama ? Paano nya to nagawa Kay papa ' bakit Hindi to sinasabi sa akin ni mama .. masakit isipin na pinag lilihiman ako ni mama ' bat nya nakayang mag Mahal ng iba .. samantalang si  papa ay Mahal na Mahal sya ' bakit ka ganyan.. sa kabila ng aking pag iisip ay  naliwanagan ako sa katotohanan na Hindi Mahal ni mama si papa ..

Napatigil ako sa pag iisip na Makita ko Kung paano tumayo si mama kahit walang ginagamit na pang alalay .. nagulantang ako dahil hawak nya pa den ang pendant .. paano ?? Papaanong nagawa ni mama na makatayo ng sarili ?

Nag tataka na ako ng sobra ng lumakad si mama papalapit sa pinto at lumabas sya '... Agad akong napatayo sa aking hinihigaan at agad akong sumunod Kay mama ng  palihim  .. at ng madatnan ko si mama ay nakatulala sya sa bintana at parang Hindi nya alintana ang presensya ko .. at tiningnan ko si mama Kung paano tumingin sa bilog na buwan '

Rogelio '' Rogelio ' Rogelio '

Naririnig ko Kung ilang beses na tinatawag ni mama ang pangalan nayun .. kahit ngayon nasasaktan paden ako para Kay papa siguro ay hindi nya Alam na nag mamahal NG ibang lalaki si mama .. Nakita ko Kung paano lumuha si mama at sa tingin ko ay lubos na syang nangungulila sa nag ngangalang Rogelio '' at nararamdaman  ko ang pag mamahal ni mama para sa lalaking nag ngangalang Rogelio ''

Pero paano si papa ' Hindi nya Alam na may ibang minamahal na lalaki si mama' ...

Nag tagal ako sa ganung sitwasyon ng mapansin ko ang buwan ' kasing liwanag nito ang Umaga parang may ipinapahitig ang buwan .. nakakapagtaka dahil ako ay naaliw sa liwanag ng buwan at nakakapagtaka den dahil natatagalan ni mama tumingin sa buwan na kasing sikat pa ng araw..

The Journey Of Us Where stories live. Discover now