Hindi maaaring palampasin lang ang ginawa nila Ravana sa aming mga magulang kailangan namin gumawa ng hakbang para ipaghiganti ang pagkawala nila malalim na ang gabi ngunit hindi pa ako nagpapahinga andito ako sa aking silid tiningnan ang aking brilyante na umiikot sa aking palad tingnan natin kung ano ang magagawa ng brilyanteng ito.

ADAMUS:Brilyante ng Tagsibol sundin mo ang aking nais na ipadama ng mga kalaban ang aking galit bilang anak ng nawalan ng magulang ipadama sa kanila ang sakit ng aking naramdaman ng dahil sa ginawa nilang pagpaslang sa aking Ama at Yna!

Saka lumiwanag ang brilyante at sinunod ang aking nais.

GENERAL'S PROVERBS

Sa ginawa ng Rehav ng Adamya ay nalalagas ang mga halaman na nakapalikid sa apat na kaharian na inangkin ng mga kalaban at nagkaroon ng malubhang sakit ang mga kawal at iba pang mga tauhan nila Ether,Ravana,Lucio,at Agatha ngunit nalalagas ang karamihan ng mga ito na hindi man lang nila namalayan.

KINABUKASAN

MUNDO NG MGA TAO TAGAYTAY HEIGHTS

ALENA'S PROVERBS

Maaga akong nagising kaya naisipan ko munang lumangoy sa swimming pool sa likod ng aming bahay habang hinihintay kong magising ang aking mga kasama upang makapag-isip na rin sa mga gagawin ngayong araw umaasa ako na darating si Cassiopea nang saganon ay magabayan niya kami sa aming gagawin.

Ilang sandali lang ay may naramdaman akong nag-ivictus sa bandang likuran at may narinig akong pamilyar na boses batid kong si Cassiopea iyon kaya humarap ako.

CASSIOPEA:Avisala Hara Alena.(Sabi niya habang papalapit sa akin)

ALENA:Avisala Bathaluman,avisala eshma na naparito ka,gusto mo ba na gisingin ko ang aking mga kapatid at ibang kasama upang ipaalam na naparito ka?

CASSIOPEA:Oo sapagkat napakimportanteng bagay ang sasabihin ko sa inyo sige Bathaluman,kung mayroon man kayong silid pulumgan dito maari bang doon na tayo mag-uusap?

ALENA:Kung iyan ang iyong nais Bathaluman.

Saka sinuot ko ang aking Bathrobe saka nag-ivictus ako patungo sa silid namin ni Memfes,Pirena,Amihan,at Danaya ilang sandali lang ay nakarating na kaming lahat sa silid pulungan bago namin sinimulan ang ang aming pag-uusap ay nilagyan ko muna ng pananggalang ang silid nang saganon ay mananatiling lihim ang aming pag-uusap.

CASSIOPEA:Naparito ako sapagkat natanggap ko ang inyong mensahe na nanggaling sa inyong mga brilyante,na nangangailangan kayo ng gabay para mabalik kayo sa dati,base sa sumpang ibinigay sa inyo ni Ravana ay hindi kayo makakabalik sa Encantadia hangga't hindi niyo nagagawa ang imposible.

PIRENA:Imposible?ano ba ang ibig sabihin nun Cassiopea?

CASSIOPEA:Ang ibig sabihin nun ay may pagsubok kayong pagdadaanan bago pa kayo makakabalik sa Encantadia.

AZULAN:Pagsubok?batid mo ba kung anong mga pagsubok ang dapat naming pagdaanan?

AMIHAN:Batid mo ba kung kailan magsisimula ang mga pagsubok namin?

CASSIOPEA:Hindi ko batid kung ano ang inyong pagdadaanan at kung kailan iyon magsisimula ang mapapayo ko lang sa inyo ay ihanda niyo ang inyong mga sarili.

ALENA:Natitiyak ko na hindi madali ang mga pagsubok na ito.

CASSIOPEA:Ganon na nga Alena kailangan malampasan niyo ang mga pagsubok na ito.

YBRAHIM:Gagawin namin ang lahat upang magtagumpay namin kung anumang pagsubok na aming pagdadaanan.

CASSIOPEA:Mabuti naman kung ganon.

DANAYA:May katanungan lang ako Bathaluman.

CASSIOPEA:Ano ang iyong tanong Hara Danaya?

DANAYA:May sumpa bang iniligay si Ravana sa Encantadia,kaya iniisip ng mga anak namin ay patay na kami?

CASSIOPEA:Oo may nilagay siyang sumpa sa buong Encantadia hindi lang ang mga anak niyo ang nag-iisip na patay na kayo kundi ang buong mamamayan doon.

MEMFES:Natitiyak ko na nagluluksa ang buong Encantadia sa akala nilang patay na tayo at sigurado ako na tayo ang unang laman sa balita ngayon.

AQUIL:Ganon na nga at sigurado ako na matutuwa ang mga kalaban natin dito sa mundo ng mga tao at samantalahin nila ang  pagkakataon habang wala tayo tsk.

CASSIOPEA:Posible nga iyong mangyari kaya manalig lang kayo at tibayan ang inyong loob,ito lamang ang aking ipinunta dito kailangan ko ng bumalik ng Encantadia.

Tumango naman kami bilang pagsang-ayon ay nag-ivictus na si Cassiopea pagkatapos naming mag-agahan ay ang aming misyon pa rin ang nasa aking isipan na sana malampasan namin ito sana walang masasawi sa amin at sana ay makamit na namin ang kapayapaan na aming ninanais.

Nasa balkonahe ako ng aming tahanan at may narinig akong mga yapak mula sa bandang likuran paglingon ko ay si Memfes lang pala.

MEMFES:Tila ang lalim ng iyong iniisip,tungkol pa ba ito sa misyon natin?

ALENA:Oo,Mahal ko sapagkat hindi natin batid kung malalagpasan ba natin ito o hindi.

Inakap niya ako mula sa likuran at hinalikan sa pisngi.

MEMFES:Manalig lang tayo Mahal ko,di tayo pababayaan ni Emre at gagabayan niya pa tayo.

ALENA:Batid ko Mahal ngunit hindi ko pa rin maalis ang takot sa dibdib ko.

Batid ko na may sasabihin pa sana ang aking asawa ngunit naramdaman may tila may nakatingin sa amin kaya inalis ko muna ang kamay ng aking asawa na nakayakap sa akin.

MEMFES:May problema ba Mahal ko?

ALENA:Wala naman Mahal ngunit parang may natingin sa atin.

Paglingon namin si Manang Terintina lang pala.

MEMFES:Kanina pa po ba kayo diyan Manang?

TERINTINA:Hindi naman hijo,maglilinis sana ako diyan.

ALENA:Ganon ba, sige po tutal pababa na kami.

TERINTINA:Sige hija.

Saka naglakad na kami palayo ni Memfes.

GENERAL'S PROVERBS

Sa totoo lang ay naabutan pa ni Terintina sila Memfes at Alena na magkayakap ngunit hindi lang siya pumasok sa balkonahe at tila nahihiwagaan siya hindi lang kay Memfes at Alena kundi pati na rin sa mga kapatid nito at kina Azulan.

Malalampasan kaya nila ang kanilang mga pagsubok na pagdadaanan abangan sa mga susunod na kabanata.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now