PROLOGUE:
'...I'll be forever thankful for the gift of sight he/she had given me.
With love and gratitude, Khristyne Alexandria I. Veracruz'
Iyon ang nilalaman ng thank-you letter na taun-taon sinusulat ni Khaye para sa pamilya ng kaniyang cornea donor. Sa taong ito ay hindi lang siya basta nangumusta at nagpasalamat kundi nag-imbita pa sa kaniyang eighteenth birthday – dahil curious siyang makilala ang mga ito.
"Pansinin kaya nila ang invitation, Mommy?" tanong niya sa inang nakamasid sa kanyang ginagawa. Mahigpit kasi ang polisiya ng eye bank na panatilihing anonymous ang identity ng mga donor kaya hindi siya personal na nakapagpasalamat. Ang mga sulat niya ay dumadaan pa sa eye bank institution at sila ang nagpapasa sa pamilya ng donor. "Di bale, malapit ko na silang matunton. Ako pa ba?" buong kumpiyansang aniya nang hindi man lang tumugon sa tanong niya ang ina.
Hindi niya binabasted ang suitor na si Nash kahit ayaw niya dito dahil alam niyang makakatulong ito sa kaniya. Sa mismong eye bank kung saan nanggaling ang cornea niya nagtratrabaho ang nanay nito. May confidential information na nga itong nasabi sa kaniya – marami umano sa mga donors ay galing sa isang palliative clinic sa Maynila.
"Hindi ko sila tatantanan," puno ng determinasyong aniya habang inilalagay sa scented envelope ang sulat.
"Tantanan mo na, Khaye," pabirong utos ni Lana sa anak. Naisip niyang kaugali talaga ito ng amang si David. "Para kang ang daddy mo, alam nang hindi puwede sisige pa rin. Ito nga muna ang intindihin mo, baka magahol tayo sa oras..." Iniabot niya kay Khaye ang tatlong catalog na ipinahiram ng kaibigan niyang event organizer na siyang mamamahala sa debut party ng anak. "Mamili ka na kung anong theme ang gusto mo. If you want customize party, puwede rin. Nandiyan naman na ang mga detailed information ng mula sa gown, makeup, invitation hanggang flower arrangement. Food catering lang ang wala sa mga catalog na ito."
"Hmmn..." Sabik na inabot ni Khaye ang mga catalog. Pagkatapos ay matamang pinagmasdan at pinag-aralan ang mga detalye. Pagkalipas ng mahabang sandali ay nakapili na siya at inilahad sa ina ang mga natipuhang istilo at disenyo. "I want this simple pomelo pink gown tapos ang hairstyle braided – yung coiled on top, parang Italian aristocrat... At para pahirapan ang florist, gusto ko dominant ang red roses pero dapat may carnations din in all sort of colors– ay pink lang pala. Sa Villa Veracruz ang venue at ayoko ng may–"
"Parang namana mo ang mga preference ni Grace," wala sa loob na nasambit ni Lana. Mahal niya ang matalik na kaibigan pero kung minsan ay hindi niya maiwasang pagselosan ito.
"Mom, anak mo ba talaga ako?" biro ni Khaye. "Lagi na lang kapag may napupuna kang ugali ko, kung kani-kanino mo pa sasabihing nakuha ko. Namana kay Emilia, kay David, kay Grace, kay Santiago... Mommy, wala ba akong namana sa 'yo?"
"Meron siyempre pero hindi ko pa masyadong confirmed," naaaliw niyang hinaplos ang pisngi ng panganay na anak. "Mukhang namana mo ang pagiging bitch ng mommy mo."
"Great. My biological mom is a bitch and my stepmom is a witch. How's that sounds, Mommy?"
"Perfect."
Parang magkaibigan nilang pinagtawanan ang biruang iyon. Hindi pormal makitungo si Lana sa anak na kagaya ng mga traditional parents. Gusto kasi niyang i-encourage ang open communication sa pagitan nilang mag-ina. No secrets.
Pagkatapos makapamili ni Khaye ay muli siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Maya-maya pa ay ipinitik niya ang daliri kasabay ng pilyang pagkislap ng mga mata. Mabilis siyang nagpasya na babastedin na niya si Nash. Hindi na niya ito kailangan. Sapat na ang impormasyong naibigay nito sa kaniya.
Gotcha! Alam ko na kung sino ang maghahatid sa akin sa mga taong gusto kong makilala. Sa kaniya ko unang narinig 'yung mga palliative-related chenelins, eh.
Eleven years old pa lang ako noon. OMG, that was seven years ago...
YOU ARE READING
Lovelorn
RomancePaano mas maipapakita ang pagmamahal - by setting someone free or by fighting for someone till the end? Iyon ang katanungang iniharap ng kapalaran sa magkasintahang sina David at Grace. Pinili ni Grace ang una samantalang tinindigan naman ni David a...
