Magkasabay naman na napakamot sa ulo ang dalawa.

“Hindi ka nalito, La?” tanong ni Red na kunwaring si Blue.

Tiningnan ni Rosa si Blue na kunwaring si Red. “Kailan ba naging demonyo ang mata ni Red?”

“Grabe ito,” pagrereklamo ni Blue. Napakamot pa ito sa kanyang ulo.

Sinunod nang tiningnan ni Rosa si Red na kunwaring si Blue. “At kailanman, hindi naging tahimik si Blue sa hapagkainan.” Tiningnan naman muli nito si Blue na kunwaring si Red. “At hindi pinapatong ni Red ang paa niya sa upuan. Ibaba mo 'yan, puputulin ko 'yan!”

Napakamot muli sa ulo si Blue. “Tss! Ikaw kasi Pula, banal-banalan. Iyan tuloy, hindi nalito si Lala.”

“Kasalan ko bang mabait ako?” sagot ni Red.

“Mabait mo muk—.” Hindi niya itinuloy ang sasabihin nang tiningnan siya nang masama ni Rosa. Nginitian ito ni Blue sabay sabing, “Mabait mo muk—bang tayo. Mukbang!” Napangiti ito. “Daming foods, oh!”

“Witty,” bulong ni Red.

“Witty mo mukha mo,” bulong din ni Blue sa kapatid.

“Kumain na kayo. Ikaw baby Blue, nangangayayat ka na. Damihan mo ang pagkain,” bilin ni Rosa.

Napangiti si Blue dahil sa narinig. Gusto niya kasi talaga tawaging baby ng lola niya. Iyon ang gusto niyang marinig araw-araw.

“Baby Red, masarap ba ang sinigang? Pure sampalok talaga nilagay ko riyan.”

“La? Ako lang ang baby mo, 'di ba?” pagrereklamo ni Blue.

“Kayong dalawa ang babies ko.”

“Tss! Sige na nga.” Tiningnan ni Blue ang kambal niya. “Huwag kang ngumiti. Ang totoo ay napipilitan lang si Lala dahil nasa harapan ka— Aray ko po!” Paghawak nito sa ulo niya. Hinampas kasi ito ng sandok ng lola nila.

“Kumain ka na. Ang ingay mong bata ka.”

Oras ang lumipas, nasa kuwarto na ang magkapatid. Abala naman silang dalawa sa kanilang phone. Si Red, nakasandal sa kama habang si Blue naman, nakahiga sa binti ng kambal niya. Nanunood ito ng porn habang ang kanang kamay nito, nasa loob ng boxers niya.

“Pinagpiyestahan ang larawan niyo ni Katleya. Some of the students uploaded your picture with her,” bungad ni Red sa katahimikan.

“Ano ang sabi?” tanong ni Blue habang patuloy pa rin sa panunood ng porn sa phone niya.

“New couple raw. Kinilig sila sa inyo.”

Napangiti si Blue. “She's pretty, right?”

“You like her? Don't you?” tanong ni Red habang pinisil-pisil ang pisngi ng kambal niya.

“She likes you,” si Blue.

Natahimik si Red at tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kambal niya.

“Huwag mo akong biruin nang ganyan,” si Red.

Inihinto ni Blue ang panunood ng porn at tumabi kay Red. Isinandal niya ang ulo sa balikat ng kambal niya. Pero tinulak lang siya nito dahil si Red ang sumandal sa balikat niya.

“Crush niya ako?” tanong ni Red.

“Oo. Kaya be nice to her. 'Wag kang mag suplado sa kanya katulad nang ginawa mo kanina. Tss!”

“Fine. I will try my best.”

“W-wait. Online si Kat. I-vi-video call ko siya.” Tinawagan na ito ni Blue at bumungad sa kanya ang magandang dalaga. “Hi, Kat. Si Red, oh. Nasa balikat ko.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now