ᏟᎻᎪᏢᎢᎬᎡ ᏚᏆX

5 0 0
                                        

Biglang bumukas ang pinto. Sila mommy at daddy.

"Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" tanong ni daddy.

"Si Xander lang po ang naaksidente." sabi ko sabay iyak.

Yinakap ako ni mommy at pinakalma. Pumasok naman si John na mukhang papasok na.

"Mom dad this is John, ang tumulong sa akin para mahanap si Xander" pagpapakilala ko kila mommy at daddy.

"Salamat anak, dahil tinulungan mo si Cassandra habang wala kami" sabi ni daddy.

Nagpaalam na si John sa akin pero sinabi ko kapag kailangan niya ng tulong ay tumawag lang sa akin.

Bumili si mommy at daddy ng pagkain bago pumunta dito. Mga favorite namin ito ni Xander, spagetti, chicken, at coke float.

"Xander gising na diyan favorite mo ito oh. Gising na haba na ng itinulog mo diyan. Gising na kakain pa tayo." sabi ko habang kumakain sa tabi nito.

"Anak, halika dito" sabi ni daddy.

"Po?" sabi ko.

"Magpakatatag ka ah, para pagkagising ni Xander malakas ka hindi siya malulungkot." sabi ni daddy.

"Nak tama ang daddy mo, kailangan maging masaya ka syempre dapat di mo pa rin siya iiwan para maka-recover siya agad, maliwanag ba iyun?" tanong ni mommy.

"Opo" sabi ko.

Pinatuloy ko na ang pagkain ko, ako na din ang naligpit nito. Maya maya ay umalis na rin sila mommy at daddy para magtrabaho pa rin.

"Xander, gising na. Diba sabi mo iikutin pa natin ang mundo? Please gising na, miss na kita e. Yung panglilibre mo lahat lahat. Tsaka pinangako ko sa sarili ko na papakasalan pa kita. Pasensya na ah, di ko maamin sayo na mahal kita. Kasi baka masira ang friend ship natin" sabi ko sabay iyak.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

мαкαℓιραѕ αмg ιѕαиg вυωαи...

Isang buwan nang coma si Xander.

"Huyy gising na, ang haba na ng itinulog mo. Ang dami na ng office works mo. Ako na ang gumagawa nun. Please gising na miss na kita, wala ng nanlilibre sa akin. Sobrang miss na kita. Papasok na ako ah. Byee kita tayo mamaya" sabi ko ng para akong baliw dahil iyak tawa ako dito kanina pa.

Pumapasok ako kasama si John sila mommy at daddy ang bahala sa mga hospital bills. Dalawang linggo na ang nakalipas ng umamin sa akin si John na nahuhulog na ito sa akin.

~Flashback~

Habang papunta na kami sa ospital ay tahimik lang ito. Hindi katulad dati na madaldal at makulit. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka may iniisip lamang.

Pagkadating ko sa ospital ay nandun sila mommy at daddy. Nagulat ako kasi tuwing umaga lamang sila dumadalaw sa ospital.

"Mommy! Daddy!" sabi ko ng nakita ko sila.

Nakipagbeso beso at nagmano pati rin si John ay ginawa iyun.
Kumain na rin kami ng pagkain na dinala namin.

Sa gitna ng aming kainan ay biglang nagsalita si John.

"Cassandra?" tanong nito.

"Hmm?" sabi ko.

"Nagpaalam na ako sa mommy at daddy mo na kung pwede ka na. Sana naman ako iyong payagan, Cassandra wala man akong pag-asa o meron ay liligawan kita. Cassandra can I court you?" tanong nito.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni John. Ang dating maingay at pala sabi. Hindi nakapagsalita ngayon natameme ako sa sinabi nito. Matapos iyun ay hindi na ako nagsalita.

~END OF FLASHBACK~

Tumawag ako kay John para sagutin na pwede na siyang mangligaw.

"John" sabi ko ng sinagot niya ito.

"Hmm?" tanong nito.

"Sige pinapayagan na kitang ligawan mo ako." sabi ko.

"Seryoso? Totoo ba ito? Salamat paghihirapan ko talaga na makuha ang oo mo. Gagawin ko ang lahat." sabi nito.

"Oo sige na bye." sabi ko tsaka ko binaba ang telepono.

тσ вє ¢σитιиυє...

I'm in love with my best friend Where stories live. Discover now