Prologue

24 0 0
                                    

My life as Queen is a damn boring.


















I was born to rule the empire of Eteria Lastimosa isa sa pinaka malaking imperyo ng Eteria bawat kaharian ay may kanya kanyang ang aking ganda at pinunong magbibigay proteksyon  sa mga nasasakupan nito.Ibat-ibang uri ng tao ang nakatira sa aming nasasakupan may mga sirena, salamangkero at salamangkera, Dewynde ilang mga bampira, at higit sa lahat mga diwata lahat sila ay  may kanya-kanyang kakayahan at katangian.

Kaming mga diwata ang namumuno sa kaharian ng Lastimosa.Mula nang mamatay ang aking ina hindi na muling nagasawa ang aming ama. Panganay ako sa limang magkakapatid at bilang panganay na anak ako ang pumalit na kahalili ng aming Inang Reyna. Lagi akong kasama at kaagapay ni Ama sa lahat ng mga desisyon at hakbang na kanyang ipanatutupad sa aming kaharian. Masaya kaming namumuno sa aming nasasakupan, malaki ang respeto sa amin ng aming mamamayan, tuwing linggo ay nagtitipon-tipon sila sa harap ng aming kaharian para sa isang nakaugaliang kasayahan. Marami sa knila ang may dalang ibat-ibang handog na kanilang inaalay sa amin. Tuwang tuwa si Ama sa kasayahan dulot ng mga tao maging ako at ang aking mga kapatid ay masaya rin dahil minsay aming nalilimutan ang pangungulila namin sa aming  Ina.

Nagdaan ang ilang taon walang nagbago sa aming kaharian, hindi tumatanda ang mga nakatira dito dahil sa kakaibang mahika na dulot ni Ama.
Ngunit nagbago ang lahat ng muling umibig si Ama.
Kakaibang mahika ang aming nasisilayan at nararamdaman na siyang ikinabahala ng lahat.Napapansin din naming magkakapatid  ang kakaibang kilos ni Ama madalas itong umaalis nang aming kaharian at buwanan kung ito ay bumabalik. Kaya nagpasya akong sundan siya sa knyang paglalakbay gamit ang mahika ng aking pangatlong kapatid dinala niya ako sa lugar kung saan palaging namamalagi si Ama. At aking nasaksihan ang kataksilan ni Ama na aming lubos na kinatatakutan.
Sapagkat isang alintuntunin sa aming kaharian na hindi pwedeng magmahalan ang isang engkantado sa isang sirena dahil nasisira ang balanse ng kalikasan marami- rami na din ang nakasaksi ng matabunan ng malalaking tipak ng bato ang maliit na kaharian ng Demiscus, naglaho na rin ang isang porsyon ng tubig sa Kusmos ng magmahalan ang isang engkantada sa isang sireno.

Kaya habang pinagmamasdan ko ang aking Ama kakaibang pakiramdam ang aking nararamdaman ng aking mapansin ang pagdadalangtao ng babaeng kasiping niya mula sa malayo ay dinig ko ang tibok ng batang nasa sinapupunan nito. Maaring hindi pa ito alam ni Ama sapagkat bukod sa ako lang ang engkantada na nakakakita sa hinaharap at mangyayari dito, ako lang din ang may kakayahang gawing tao ang isang sirena, o Anumang nilalang sa aming nasasakupan na hindi alam ng kahit sinuman maging si Ama.
Kaya gumawa ako ng isang hakbang na magpapabago sa lahat, gamit ang aking isip at diwa nagpakita ako kay ama na lumuluha at maging sa babaeng kasiping niya gamit ang panaginip. Isang mapaghimagsik at nakalalasong luha na maaring pumatay sa batang nasa sinapupunan ng babae. Isa sa limang kapangyarihan na taglay ko na kailanman ay hindi ko ginagamit sapagkat mapanganib.

Nagising si Ama sa aking ginawa at knyang nasaksihan ang pagkislap ng bulaklak sa noo ng sirena na tanda na nadadalang tao ito.Kaya agad niya itong ginising ng magmulat ang mata ng sirena ay agad na naputol ang kapangyarihan ko sa kanila. Matalino si Ama binigyan niya agad ng pangkontra ang sirena upang hindi sya tablan ng aking kapangyarihan ngunit nakalimutan ni Ama na may kakaiba pa akong kapangyarihan na hindi niya alam na ipinamana sa akin ni Ina.

Gamit ang aking lakas at bilis agad kong binuhat ang babae malayo sa tubig at nakita iyon ni Ama, nakita niya ang galit at pighati sa aking mga mata. At nang aking ibabagsak sa lupa ang babae biglang lumuhod si Ama at nagmaka-awa ito maging ang babae, ngunit labis na ikanagulat ko ang pagmamaka-awa ni ama.

Isang pagmamaka-awang kahit kailan ay hindi ko naisip ibigay o gawin...

"Ang Kalayaan ng isang Sirena kapalit ng buhay ni Ama" **

Selenophie*

She's The Moonlight BrigdeWhere stories live. Discover now