"..and they lived happily-ever-after."
Kinilig naman ang mga kaklase kong uhugin at puro kuto. Inirapan ko nalang sila. Bat ba kase ang tagal mag uwian? Itinaas ko ang kamay ko at tumayo ako.
"Teacher, hindi naman po iyan totoo. Pwede na po ba akong umuwi?"
"Hindi pa, Catherine. Hindi ka ba naniniwala sa storyang ganito?" ngumiti pa siya saakin. Ang weird weird talaga ni ma'am. Ang alam ko crush niya lang naman yung guard doon sa may gate. Ang alam ko rin may asawa na yata yon eh. Ang dami ko talagang alam.
"Kadiri ma'am. Impossibleng kapag hinalikan mo ang palaka ay magiging tao. Wala naman pong totoo dyan."
"Bata ka pa kasi, Catherine. Pero naniniwala akong balang araw, makikilala mo rin ang prinsipeng makakapagpabago sa sinabi mo ngayon."
Bata pa lang ako ayoko na. Nakakarindi at nakakairita ang mga katagang "Once upon a time" at mga prinsesang naghihintay ng prinsipeng magliligtas sakanila.
Ako si Catherine, ang babaeng hindi naniniwala sa pagmamahal. Kung hanap mo ay kilig, pwes maghanap ka nalang ng ibang storya.
Papatunayan ko lang sa'yo rito na tanga lang ang nagmamahal.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Tanga lang ang nagmamahal.
Genç KurguSimula pagkabata, namulat na si Catherine na hindi totoo ang mga kwentong nakasulat sa librong binabasa ng kanyang guro. Naniniwala siyang hindi totoo ang pagmamahal. Pero paano kung biglang may dumating na lalaking magbabago sa pananaw niya? Lag...
