Chapter 41 (patpat)

1.3K 72 0
                                    

"What the fu..", maang na sabi ni Robbie habang nakatingin kay Irish na masayang nagdidilig ng mga tanim na gulay kasama ni Elena.

Pati si Jerome at Luis ay di makapaniwala sa nakikita. Bahagya pang nakanganga ang mga bibig nito.

"Si Irish nga!", sabi ni Jerome matapos titigan mabuti ang mukha ng kumakaway na babae.

Natatawa naman si Gavin sa naging reaksyon ng mga ito. Siya man ay nagulat kanina ng makita ito sa ganung kasuotan.

Lumapit ang apat na lalaki kay Irish at Elena. Umikot pa si Robbie sa nakapamewang na si Irish at parang model na nakataas pa ang noo.

"Mas maganda ka pala kapag ganyan ang suot mo. You look sexier.", sabi ni Robbie.

"Heh!… bolahin mong lelang mong panot. Wala akomg make up, maganda. Hmp!", sabi ni Irish sabay irap.

"Totoo ang sinasabi ni Robbie, Irish. Mas lumabas ang natural mong ganda.", pag sang ayon ni Jerome.

"Talaga?", paniniguro ni Irish.

"Totoo ang sinasabi nila, Irish.", sabi ni Gavin. Nakangti pa ito habang tumatango.

Nilapitan ni Irish si Elena at niyakap.

"Thanks to Elena. Siya ang may ideya nito.", nakangiti nitong sabi.

Tinapik tapik naman ng nakangiti ring si Elena ang braso ng nakaakap sa kanya.

Matapos magdilig at mamitas ng ilang gulay ay magkakasabay ng naglakad papunta ng kwadra ang anim. Nagyayang mangabayo si Gavin at mag ikot sa buong Hacienda.

Hindi marunong mangabayo si Irish kaya nag tatalo pa si Jerome, Luis at Robbie  kung kanino aangkas ang natatawang si Irish.

Nagmamadali namang naghanap ng patpat si Elena. Nang makakita ay pinutol niya ito sa tatlong piraso, at pinapili ang tatlong lalaki kung alin sila sa tatlong patpat. Nagkasundo ang mga ito na kung ano/sino ang mahuhugot ni Irish ang syang mag aangkas dito.

Inilapit ni Elena ang nakapatayong patpat na hawak kay Irish. Humugot ito ng isa.

"Yes!..", sigaw ni Robbie.

Napahagikgik ng tawa si Irish sa nakikitang importansyang ibinibigay sa kanya ng mga kaibigan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganung uri ng saya.

Sakay ng mga kabayo, sabay sabay na nilang inikot at pinagmasdan ang kagandahan ng Hacienda Hermosa.

Hidden Agenda: Paibigin kaWhere stories live. Discover now