Chapter 25 (dali Brutus)

1.4K 74 4
                                    

"Malawak din pala ang nabiling ito ng Papa. Sa tingin ko ay maaari kaming mag alaga at makapag parami ng baka sa bahaging iyon. Maaari rin akong makapag pinta sa mataas na bahaging iyon. Tamang tama ang pwesto, tahimik.", sabi ni Gavin habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng paligid.

Hiyah!..... tigidig.... tigidig...

Muling pinatakbo ni Gavin ang kabayong si Brutus papunta sa bahaging hindi pa nya napupuntahan. Nasisiyahan ang lalake sa nakikitang kagandahan ng lugar.

"Tama lamang na maging bahagi ng Hacienda Hermosa ang lugar na ito.", nakangiti nitong bulong.

Nang makaramdam ng bahagyang pangangawit ng puwit at mga binti ay pinatigil niya si Brutus sa ilalim ng isang puno. Hula niya ay puno iyon ng langka.

Bumaba si Gavin sa pagkakasakay sa likod ni Brutus at naupo sa damuhan. Ininom niya ang baong tubig na iniabot kanina ng Senyor. Nakaramdam siya ng antok dahil sa malakas at sariwang hangin na tumatama sa mukha niya.

Naisip ni Gavin mahiga sa damuhan upang maiunat ang likod. Matapos matiyak na wala siyang mahihigaang maliliit na bato. Pahiga na siya ng may marinig siyang lagaslas ng tubig. Tumayo si Gavin at sinundan ang pinanggagalingan ng tunog.

Napanganga ang byudo sa nakita. Si Elena naliligo sa sapa!.. Nakatayo ang dalaga kaya kitang kitang kita niya sa manipis na kamison ang hubog ng katawan nito. Nakatapat ito sa umaagos na tubig.

Napanganga si Gavin.... walang suot na panloob si Elena!.

Napadalas ang paglunok na ginawa ni Gavin matapos tumalikod. Pinagpapawisan siya ganung malakas naman ang hangin sa kinatatayuan niya.

Ang dapat at tamang gawin ay umalis siya sa lugar na yon at bigyan ng pribadong sandali ang dalaga. Subalit imbis na tuluyang tumalikod ay hindi napigil ni Gavin ang sarili na muling tignan at panuorin ang isang napakagandang tanawin na nasa kanyang harapan.

Bahagya pang kumubli si Gavin matapos siguraduhing walang ibang tao na makakakita sa gagawin nya.

Nakatayo pa rin si Elena, nakahawak ito sa ulo habang hinahawi ang basang buhok. Bahagyang nakaawang ang mga labi ng dalaga na patuloy na natutuluan ng tubig. Bumaba pa ang tingin ni Gavin sa leeg, sa balikat at dibdib nitong mayabang na nakatingala. Bakat ang dalawang maliliit na korona. Bumaba pa ang mga mata ni Gavin.... sa impis na tiyan at puson.. at sa.... napabuga ng hangin si Gavin.

Kahit may suot si Elena ay parang nakikita pa rin ni Gavin ang nasa pagitan ng mga hitang iyon.

Habang patuloy na nababasa ng tubig ang suot nitong kamison ay lalong lumilinaw ang katawan ni Elena. Para na itong nakahubad. Mas nakakapagbigay ng kaseksihan ang nakatakip sa katawan nito na parang wala lang din naman. Muling napalunok si Gavin.

Kumilos si Elena kaya biglang kilos din si Gavin upang maitago ang sarili. Maya maya ay sinilip niya uli si Elena. Nakita niyang.... nagbibihis na si Elena!!

Nataranta si Gavin... hindi siya dapat makita ni Elena. Maingat ang paghakbang na ginawa niya palapit kay Brutus. Hinila pa niya ito sa malayo at saka sinakyan.

Hiyah!..., "dali brutus, kailangan nating makalayo dito!''...

At kumaripas na ng takbo ang kabayong si Brutus.

Hidden Agenda: Paibigin kaWhere stories live. Discover now