CHAPTER 4: TREASURE

19 4 0
                                    

Kath's Point of View

"Kath wake up!" pag gising sa akin ni lola sa mga sumunod na araw. Bumaling lang ako ng posisyon sa paghiga at nagpatuloy sa pagtulog.

"Kath! You need to go to your school. Nakabihis na si Eljhay hinihintay ka na sa baba."

"He can go lola. Susunod na lang po ako sa school." Sagot ko.

"Apo. Hindi pwede. Utos ito ng daddy mo. Tsaka hindi mo pa alam kung saan ang school mo." Inis akong bumangon at mabilis na nag-ayos ng sarili ko sa loob ng banyo. Kinuha ko yung bag ko bago bumaba.

"Ma'am Monique------"

"How many times do I need to tell you that don't call me on my second name?" pagpuputol ko kay Eljhay.

"Sorry po ma'am Kath." Paumanhin niya. "Eh! Bakit naman po ganyan ang suot niyo?" sita niya sa suot ko.

"What's wrong?" tanong ko.

"Apo. Sa school ang pupuntahan mo at hindi mall o kaya party, at tiyaka ano yang hawak mo?"

"It's nothing lola." sambit ko. "And what's wrong about my clothes? La. I'm in a college, I'm not a high school anymore ."

"Apo. Wala ka sa U.S. andito ka sa Probinsiya."

"La! I'm your granddaughter. You owned the University right? You can tell them that you are allowing me to wear whatever I want." Sagot ko bago naupo sa dining table at ibinaba yung rice wine na naiuwi ko galing U.S.

"What are you doing? We're going to be late if you are just going to watch me." Baling ko kay Eljhay "Sit and eat so we can go."

"Sorry po."

Pagtapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay lola bago pumasok ng school. Pinagbuksan pa ako ni Eljhay ng pintuan ng kotse bago siya umikot papunta sa driver seat.

"You know what? Kahit pala maaga tayong papasok ng school male-late at male-late pa rin naman pala tayo eh." Sambit ko.

"Ha?" tumingin ako sa rear mirror at nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Ha? Hakdog!" inis na sambit ko sabay irap sa kanya.

"Are you going to keep on driving with that slow? Eh! Bukas pa ata tayo aabot ng school eh. Hindi mo sinabi para kahapon pa tayo bumyahe diba?" natawa siya sa sinabi ko kaya napakunot ako ng noo.

"Are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko" iritableng tanong ko.

"Ang cute niyo po pala pag nagtatagalog." Sambit niya. "Pero mas bagay niyo po mag english lalo na po pag nagagalit kayo, para po kasi kayong nanay na nagagalit pag nagtatagalog po kayo" Sabay tawa niya.

"Are you mocking me?!"

"Hindi naman po sa ganun ma'am Kath. Imbes na matakot po kasi yung pinapagalitan niyo mas matatawa pa po kasi nabubulol kayo pag tagalog ginamit niyo."

"Shut the hell up!" sigaw ko. "Don't say one more word or else I'm going to fire you!" dagdag ko.

"Andito na po tayo ma'am Kath." Sambit niya after 10 minutes na biyahe. Napapikit ako.

"Are you insulting me?"

"Ma'am?"

"Drive me in my school!" utos ko sa kanya.

"Eh! Ma'am andito na po tayo." Sagot niya. Natawa ako.

"Me? Going to that Public school?" sabay turo ko sa school. "Gensan State Public University? Oh! Come on!" singhal ko.

#LITD Love in the DarknessWhere stories live. Discover now