Nandito na kami sa loob, at hindi ko namalayan na kasama din namin si Tim. Hinila niya ako papunta sa tabi niya at hinawakan ang kamay ko. Masama ang tingin sakanya nila Trance, Martin at Kristoff pero nagkibit balikat lang siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Tsk tsk. Jerk!

Huminga ako ng malalim at muling nag-sorry. Una kay Kristoff dahil nasuntok siya ni Tim.

“Why are you apologizing? I’m not even sorry for hitting him!” nanggigigil na pahayag ni Tim. Kinurot ko nga!

“Tsk. Tumahimik ka nga! Selos ka lang, eh! Joke lang naman na tinawag kong ‘hon’ si Kristoff, umusok agad ang ilong mo!” pumalatak lang siya saka siya nag-iwas ng tingin sa akin.

“Sorry talaga, Kristoff. And uhm yung about sa pagbubuntis ko, totoo ‘yun.” Nakita kong tinignan niya ng masama si Martin na halatang nagtataka kung bakit galit sakanya si Kristoff. “Wait! ‘Wag ka magalit kay Martin. Joke nga lang, eh. Hindi siya.. Si Tim..”

 

Kumunot ang noo ni Martin pero natawa siya pagkatapos. “The fvck, dude! Akala mo ako ang nakabuntis kay Diana? Tangina, takot ko lang sayo!” ngumisi si Trance nang biglang sapakin ni Kristoff si Martin.

“Shut up, Martin!” paasik na sagot ni Kristoff.

“Okay na? Can we go?” pagsingit ni Tim. Naku kahit kailan talaga bastos ‘to! Kinurot ko siya ulit saka ko siya inirapan.

Hindi pinansin nila Martin ang sinabi ni Tim. “Ilang buwan na ‘yan? Alam na ba nila tito?” napatingin ako kay Kristoff nang itanong niya iyon. I sighed.

“Mag-iisang buwan palang. No, hindi pa nila alam.” Saka ako umiling iling. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Tim sa kamay ko kaya’t napalingon ako. “Kailan mo balak sabihin?” tanong ulit ni Kristoff.

Binalingan ko siya ng tingin. Ang tagal na rin nung huling beses kong pumunta sa bahay. Mag-iisang taon na rin yata. Ni hindi nga siya umattend ng graduation ko. Siguro pinigilan nanaman siya ng mahadera niyang asawa.

“Akala ko bumalik ka na sa bahay nila tito?” umiling ako kaya’t kumunot ang noo niya.

Hindi ko na rin pinatagal ang usapan namin. Bigla akong nakaramdam ng pagod nang ma-open ang topic tungkol kila daddy. Nagfa-flashback sa akin ang lahat, eh. Ang sakit lang. Panay ang buntong hininga ko hanggang sa makarating kami sa condo ni Tim. Wait, CONDO NI TIM!?

“Hoy! Bakit tayo nandito? Dun tayo naka-schedule sa pad ko ah!”

Hindi niya ako pinansin pero pinagbuksan niya ako ng pinto at hinatak papasok ng building. Aysh! Hindi ko maintindihan ‘tong isang ‘to! Dati ang daldal daldal nung pinagbabantaan ako, ngayon ang tahimik! Tsk!

Pagkapasok namin sa condo niya, agad niya ulit akong hinila. Dinala niya ako sa kwarto niya. Hala! Sa kwarto?! WAIT! Di ako ready! Huhuhu. Ano ba naman ‘to, nagdadrama ako tapos ngayon parang may gagawin kaming mas nakakapagod pa sa pag-iisip! Uwaa!

“A-anong ginagawa mo!?” napakagat ako sa labi ko nang tanggalin niya ang t-shirt niya! Ay susmaryosep! Naghe-hello nanaman sa akin ang mga pandesal sa tiyan niya! Tinignan niya ako pero pokerfaced siya. Inihagis niya kung saan ang t-shirt niya at dahan dahang lumapit sa akin habang tinatanggal ang sinturon ng pantalon niya. AY PUCHA!

Napapikit ako nang bigla niyang ibinaba ang pantalon niya! Sa harap ko mismo! Utang na loob! RAPE! RAPE! Huhuhu. Narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis kaya napadilat ako. Shet! Nakaboxers nalang siya! At oh my gulay! Napalunok ako nang dumapo ang tingin ko sa umbok. Shems! Natural bang nakaumbok ‘yun? Uwaa! Ang halay!

Tumayo siya ng tuwid saka niya inilapit ang mukha niya ng husto sa mukha ko. Damang dama ko ang init ng hininga niya! Uwaa! Ang init! Grabe! Hindi pa niya binubuksan ang aircon! Oh my, tulong! I bit my lower lip at napatingin siya sa labi ko. Hahalikan na sana niya ako pero nag-iwas ako ng tingin. Yuck! Naalala ko na hinalikan niya si Meganyuun. Nandidiri ako!

“K-kadiri ka.” Nanginginig kong sabi sakanya. Hinawakan ko ang dibdib niyang matigas at marahan siyang itinulak pero walang epek. Lalo lang niyang idinikit ang sarili niya sa akin. Shems! Sa sobrang tangkad niya sa akin, yung umbok na sinasabi ko, nasa puson ko! Utang ng ama mo! Shems!

“And why is that? May atraso ka pa sa akin, ‘hon’ pala ah.” Napakahusky ng boses niya at halos pabulong niyang sinabi sa akin yan na para bang nang-aakit! Uwaa! Hindi ako naaakit! Hindi talaga! Lalo siyang dumikit sa akin. Ay shet ang tigas! Wag kayong green! Matigas yung ano! Yung dibdib!

“B-bakit ikaw, h-hinalikan mo y-yung kapatid mo kuno!” tae, bakit ba nabubulol ako! Lintek na matigas na—dibdib yan! Ugh! Concentrate, Diana!

“So, gumaganti ka?” nginisian niya ako habang itinataas baba niya yung ano niya. Yung yung kilay! Putsa! Wag sabi kayong green, eh! Ihhhhhh.

Umiling iling ako at napasinghap ako nang inabot ng kamay niya ang poloshirt na suot ko at unti-unting inalis ang pagkakabutones nito. Pipigilan ko sana siya pero nahuli ng bibig niya ang bibig ko! Waa! Madaya!

“Uhh!” shit ka ‘wag kang umungol Diana! Naman eh! “Timmm~” putsapie! Sinong hindi mapapaungol? Marahan niyang hinahaplos ang dibdib ko! Yung kamay ko parang paralisado, nakalaylay lang, san kapa?

Bumaba ang kamay niya sa dalawang kamay ko at dahan dahan itong inilagay sa ano niya. Uwaa! Sa batok! Sa batok guyth! Napakagat ako ng labi. Napatitig ako sa mga mata niya. Kumabog ang dibdib ko. Gusto ko talaga siya. I sighed and smiled shyly. “H-hindi pwede, y-yung baby..” pabulong kong sabi pero ngumisi lang siya sa akin at hinalikan ako ulit.

Unti-unti niyang tinanggal ang bra ko at bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Uwa! Ayaw makinig sa akin! Yung baby nga eh! Napapaungol nalang ako sa ginagawa niya. “The baby is safe. Alam ko ang gagawin.” Saka siya nag-angat ng tingin at kinindatan ako. Nag-init ang pisngi ko at agad nanaman niya akong hinalikan ng malalim.

Binuhat niya ako ng dahan dahan at inihiga sa kama. This is it! Juskopo!

Painful Desires (completed)Where stories live. Discover now